Mga showbiz prediction ni Madam Suzette

BY: DENNIS ADOBAS

Ang hirap hagilapin ng most credible psychic na si Madam Suzette.  Kararating niya lang from the United States pero punumpuno as in fully booked ang kanyang kalendaryo sa advance appointment for fortune-telling at feng shui ng kanyang mga kliyente na ang iba’y out-of-town at home service pa.

Pero kahit papaano’y na-interview rin natin si Madam Suzette.  Narito ang kanyang mga predictions sa buhay at career ng inyong paboritong showbiz personalities:

DOLPHY:  “Bagama’t hindi kagandahan ang kalusugan ni Dolphy, may gagawin pa rin siyang project o activity sa taong 2011 na mag-aakyat ng maraming pera sa kanya.  Maaaring hindi pelikula o television show pero related pa rin sa showbiz.  Pero mas mainam kung bawas-bawasan niya na ang magpuyat at magpagod kasi baka maospital siya!”.

NORA AUNOR:  “Nakikita kong uuwi ang SUPERSTAR sa Pilipinas at may gagawin siyang isang malaki at importanteng pelikula at kung maalagaan nang husto sa promotion ay maaaring magbalik sa kanya sa kanyang dating pedestal na hanggang ngayon ay nananatiling bakante.  Mamahalin uli siya ng mga tao pati na ng bagong henerasyon!”.

VILMA SANTOS:  “Ingatan niya ang lower part ng katawan niya.  Nakikita kong prone siya sa urinary tract infection (UTI).  Iwasan niya ang kumain ng mga ulam na maaalat!”

SHARON CUNETA:  “Sa negosyo siya uunlad nang husto.  Nakikita kong magda-diversify siya sa business at magiging successful lahat!  Career?  Okay pa rin pero hindi masyado.  Sari-saring intriga ang lalabas pero the best attitude ay ‘wag pansinin!”

KRIS AQUINO:  “Matutuloy ang annulment ng kasal nila ni James Yap.  Magkaka-boyfriend siya, somebody na non-showbiz.  Magiging masuwerte siya sa career.  Lalakbay siya sa iba’t ibang bansa dahil sa trabaho niya!”

KRISTINE HERMOSA:  “Magkakaroon ng kasalan between her and long-time boyfriend Oyo Boy Sotto.  Pero magkakaroon ng panghihina sa katawan si Kristine na maaaring makakaapekto sa first baby nila.  Dapat mag-ingat!”

JOHN LLOYD CRUZ:  “Posibleng magkahiwalay sila ni Shaina Magdayao dahil sa isang babae na masyadong aggressive at maaaring maagaw niya sa John Lloyd from Shaina!”

*****

Nang minsang sumakay kami sa LRT connecting Recto with Santolan, may napansin kaming retrato nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista together reading a book.  Advertisement pala ‘yon to encourage reading as a pastime and as a tool for enriching one’s knowledge!

Nakakatuwang isipin na noon ay pinaghiwalay sina Romnick at Harlene ng tadhana at ng tawag ng career.  Napunta si Romnick kay Sheryl Cruz at naging isang formidable screen loveteam sila samantalang si Harlene naman ay na-link sa nag-uumpisa pa lang noon na television director na si Rico Gutierrez.  Nagkaroon ng isang anak na lalaki sina Harlene at Rico na nang ikasal si Harlene kay Romnick ay itinuring na ni Romnick na tunay niyang anak!

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: