Angel Locsin, Hinihiling na maging si Gregoria de Jesus sa pelikula ni Mario O’ Hara Kay Andres Bonifacio

Angel Locsin

Angel Locsin

Isa si Mario O’Hara sa masinop sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas kaya naman kumpleto siya ng mga babasahin, mga orihinal na dokumento ang karamiha, kaugnay sa mga kontrobersyal na tauhan ng ating buhay at pakikipagsapalaran.
Kaya nga nabuo niya ang konsepto ng pelikulang “Ang Paglilitis” na hango sa buhay ni Andres Bonifacio at ang koneksyon ni Emilio Aguinaldo sa kamatayan nito.
May mga tala si O’Hara ng pagdinig sa kaso ng pagpapatay ni Aguinaldo kay Bonifacio at ginawa niya itong dramang dokyumentaryo at isinumite sa kabubukas lang na Open Category ng mga establisadong direktor.
Walang katanung-tanong na napili ang materyal ni Mario at siya ang nangunguna sa limang filmmaker na nakasapa sa kategoryang ito.

***

Sinisimulan na ni O’Hara ang pre-production ng pelikula bagamat wala pa siyang mga pinal na artista na gaganap bilang Andres at Emilio.
Pati ang papel ni Gregoria de Jesus ay wala pang napipili bagamat marami ang humihiling na si Angel Locsin ang magbigay-buhay sa makulay na persona ni Ka Oryang.
Si Angel rin ang gusto ni Mario na gumanap sa kontrobersyal na katauhan bagamat ang desisyon ay nakasalalay rin sa kamay ng direktor at ng Cinemalaya.
Bagay na bagay kung gayon si Locsin sa karakter ni de Jesus dahil Filipinang-Filipina ang kagandahan at kakanyahan ng aktres at ng pigura ng kasaysayan.

***

Ang sumulat ng dulang pampelikula ay walang iba kundi ang pamangking-buo ni Mario na si Janice O’Hara na isang manunulat sa ABS-CBN.
Kasama ni Direk sa bahay si Janice kaya naman panay rin ang basa nito ng mga manuskrito ng hearing sa korte kaya marami na siyang napulot na mga impormasyon na mailalahok sa produksyon.
Matindi ang magiging epekto ng pelikula sa lahat ng Filipino dahil ito ay nagpapakita ng mga katotohanan ng buhay sa Pilipinas lalo na sa pulitika noong panahon ng mga Kastila at Amerikano.
Nagsimula ang madugo at marahas na pulitika sa panahon nina Andres at Emilio kaya naman mahalaga itong pag-aralan ng sambayanan kundi rin lang mga kabataan at katandaan dahil ang panahon nila ang ugat ng masamang pulitika na bumabalot sa Pilipinas.
Hindi ba’t napapanahon ang obrang ito sa panahon ng eleksyon bagamat sa Hulyo pa sa Cinemalaya mapapanood ang kabuuan nito pero ngayon pa lang ay mainit na usapin na naman ito sa lahat ng sulok ng lipunan dahil tungkol ito sa mga lider at may sinasabi sa ating lipunan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: