Mila Ocampo, namatay sa piling ni Snooky Serna, ipinagtanggol ang ina kontra tsismis

Ocampo and Snooky Serna

Ocampo and Snooky Serna

Hanggang sa kahuli-hulinang hibla ng hininga ay nasa tabi ni Mila Ocampo ang kanyang panganay at nag-iisang anak na babae na si Snooky Serna.

Nang mamatay si Mila sa kanyang bahay sa The Fort ay hindi halos natutulog at kumakain si Snooky.

Tatlong araw bago bawian ng buhay si Ocampo ay nagbabantay sa kanya si Serna.

Hindi tumanggap ng phone calls si Kookie habang inihahanda ang mga labi ng kanyang ina dahil sa pighati at pag-aasikaso sa memorial services nito.

Ayon sa katulong ni Kookie, hindi tumitigil sa kaiiyak ang aktres at umuuwi lang ng bahay pag magpapalit ng damit o kaya ay mag-aasikaso ng mga kailangan ng kanyang dalawang anak kay Ricardo Cepeda na sina Samantha at Sachie Go.

***

Ngayon ay unti-unti nang natatanggap ni Snooky nag kamatayan ng kanyang ina tulad rin ng matapang niyang pagtanggap sa pagpanaw ng kanyang amang si Von Serna ilang taon na ang nakakaraan.

Nakaburol ngayon sa Trinity Memorial Chapels sa Sucat Road sa Parañaque City ang mga labi ni Tita Mila, ang dating Miss Press Photography of the Philippines na inilunsad ang pagganap sa pelikula sa “Romansa sa Nayon” sa direksyon ni Susana C. de Guzman noong 1952.

Ipinangtanggol ni Kookie ang kanyang namayapang ina laban sa mga malisyosong intriga na kaya nagka-emphysema si Ms. Ocampo ay nang dahil sa pagkagumon nito sa bawal na gamot o pagkasugapa.

“Please spare my mom,” ang tanging pakiusap lang ng bituin.

***

Lumala lang nang lumala ang karamdaman ni Tita Mila nang madulas siya sa banyo at tumama sa sahig ang kanyang likod.

Mula noon ay marikot na makirot na ang kanyang katawan at nagkakomplikasyon pa sa puso ang kanyang emphysema.

Kaya nga dinala na sa ospital ni Kookie ang kanyang nanay at natagalang nakaratay sa banig ng karamdaman bagamat nailabas siya bago mag-Pasko dahil gumanda ang pakiramdam ng beterang aktres.

Gayunman, umatake muli ang kanyang sakit at tuluyan na siyang nakitlan ng buhay.

***

Para kay Christian Bautista, si Anne Curtis ang pinakamaganda sa hanay ng apat na babaing katambal niya sa MTV ng kantang “Beautiful Girl” ng Universal Records.

Ang tatlo pang dilag na kapareha niya sa Music for Television ay sina Angel Locsin, Georgina Wilson at Sollen Heusaff.

“Si Anne, kasi, matagal na kaming magkasama lalo na sa ‘ASAP’ sa ABS-CBN. Kaya nga, go, Anne, go!” pahayag ni Christian.

Gayunman, aminado ang tinaguriang Romantic Balladeer na sina Angel, Georgina at Ollen ay kapwa rin magaganda at ismarteng mga binibini.

Ibang dimensyon kung gayon ang pamantayan ni Bautista sa kagandahan at hindi ang panlabas na katangian lang ng isang babae.

***

Magakasama nang limang araw sa Boracay sina Georgina at Richard Gutierrez, ang dating magkasintahan na nagkahiwalay nang mag-aral sa ibang bansa ang Fil-Briton na aktres at modelo.

Hindi ikinaila ni Wilson ang balita at sinabing kasama pa nila ang iba pang miyembro ng pamilya ni Richard tulad ni Ruffa Gutierrez.

“I am very close to the family,” pahayag ni Georgina kaya anya siya sumama na magliwaliw sa Boracay ng magba-Bagong Taon.

Nagkabalikan nga ba sila ni Richard?

“No. We are just friends. It doesn’t mean to say that if I go out with him especially in a faraway Boracay is we are back to each other’s arms. No,” pagtanggi ng matangkad na modelo na nagtapos ng Business at Accounting sa University of Sidney sa Australia.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: