Nakakangiti na ang naulilang anak na si Snooky Serna

KUNG noong isang linggo lang ay hindi makausap si Snooky Sernan nang dahil sa kamatayan ng kanyang inang si Mila Ocampo, ngayon ay nakakangit na ang aktres.

Namatay si Mila noong ika-6 ng Enero, 2010 nang dahil sa emphysema sa kanilang tahanan sa The Fort at ang lahat ay nagluksa lalo na ang mga kaibigan ni Snooky gayundin ang kanyang mga kasamahan sa trabaho at lalo’t higit ay ang kanyang mga kaanak.

“I have to face the world,” pahayag ni Kookie sa premiere night ng kanyang pelikulang “Sagrada Familia” sa SM Megamall kamakalawa.

At ang dati-rating sinasabihan na pagong sa pag-usad ay malayo na ang nararating sa kanyang buhay at ngayon ay simbilis na siya ng maya sa paglipad.

***

Sinabi ni Kookie na nang sumakabilang-buhay si Mila ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa.

“There was a time na parang matutumba na lang ako,” wika ng premyadong aktres.

Talagang sa pagkadinig pa lang ng pangalan ng kanyang ina ay huhulagpos na lang sa iyak ang aktres.

Pati nga ang premiere showing ay parang nagmistulang tubigan nang umiyak nang walang hikbi ang aktres sa pagsasalaysay sa mga peryodistang pampelikula ng kanyang trahedya sa buhay.

Nang batiin siya ng peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ay gayon na lang ang sikdo at tangis ng aktres. Marami ring pinagsamahan sina Dennis at Kookie kaya naman hindi kataka-takang maging madamdamin ang kanilang pagtatagpo.

Hindi nga nakadalaw sa burol ni Mila si Adobas pero taglay naman niya ang panalangin n asana ay maluwalhating marating ng namatay ang kaharian ng Panginoong Diyos.

                                                          ***

Nang kausap din ng mag-asawang peryodistang pampelikula na sina Benjie Felipe at Liza Endaya si Snooky ay gumaralgal din ang boses ng aktres at kahit na naka-shades siya ay mararamdaman ang pintig na malungkot ng kanyang puso.

“Lagi ko na lang iniiyakan ang kamatayan ng Mommy ko,” sabi ni Kookie na malapit na malapit kay Ocampo.

“But life has to go on,” sabi ng bituin kaya naman siya mismo ang nagtawag sa mga movie reporter na manood ng kanyang pelikula na kasama sina Lovi Poe, Emilio Garcia, Robert Arevalo, Jim Pebangco, Felix Roco, Gloria Diaz at marami pang iba.

Lahat ay pumuri kay Kookie sa magandang pagganap nito sa isang asawang nars na nagtungo sa Italy at pagbalik niya ay matuklasang nabuntisan ng kanyang mister ang kanilang anak.

***

Bale ang pelikulang ito ang nagpaalsa sa malungkot na diwa ni Snooky sa mga panahong ito.

Ito ay dahil sa kanyang katangi-tanging pag-arte sa kanyang papel at lahat ay nagpasalubong sa kanya ng masigabong palakpakan.

Ilan lang sa mga aktres natin ang makakagawa ng ginagawang paglikha ni Kookie sa kanyang mga papel na ginagampanan?

Mabibilang lang sa mga daliri sa ating mga kamay.

Kaya nga kahit na malungkot ang kanyang Bagong Taon, maligaya naman ang pagsalubong niya sa kanyang career ngayong Taon ng Tigre.

At ang kanyang love life ay makulay lalo na at suportado siya ng kanyang mahal sa buhay na si June de Vera.

Walang tulog, walang kain si Snooky Serna sa kamatayan ng kanyang inang si Mila Ocampo

Hanggang sa kahuli-hulinang sandali ay nagbantay si Snooky Serna sa kanyang mahal na inang si Mila Ocampo hanggang sa bawian ito ng hininga noong Miyerkules ng umaga.

Tatlong araw bago pumanaw si Mila, si Snooky ang tanging nagbabantay sa dating Miss Press Photography of the Philippines.

Ayon sa mga kaanak ni Serna, hindi na halos umuuwi si Kookie sa kanilang tahanan ng mahal niyang nagngangalang Jun kundi sa bahay na lang ni Ocampo sa The Fort.

Dito na sumakabilang-buhay si Tita Mila sa ganap na alas diyes y medya ng umaga.

Gayon na lang ang pighati ni Kookie dahil mahal na mahal niya ang kanyang ina.

Hindi nakipag-usap si Snooky kaninuman habang inihahanda ang mga labi ng ina.

Kinabukasan na lang siya nakipagtalimitam sa mga nakikiramay at nakikisimpatya sa kanya.

Hindi pa rin nakukumpleto ang pahinga ng aktres dahil siya ang panganay sa dalawang anak nina Mila at Von Serna.

Namatay si Tita Mila sa piling ng dalawa pa niyang anak na sina Anton Serna at Julied at mga apo na sina Samantha at Sachie Go, ang mga anak ni Kookie sa aktor na si Ricardo Cepeda.

Nandoon din ang matagal nang tagapag-alaga ni Kookie na si Tita Eden na kapatid ni Tita Mila.

Namatay si Ms. Ocampo nang dahil sa komplikasyon sa kanyang sakit na emphysema.

Nagsimula ang sakit na ito ng namayapa nang siya ay madulas sa banyo mga ilang taon na ang nakakaraan.

Bumagsak sa sahig si Mila at napuruhan ang kanyang likod.

Pagkatapos nito ay lagi nang masakit ang kanyang katawan.

Doon na siya naratay sa banig ng karamdaman at positibong emphysema ang kanyang sakit.

Ibinurol si Tita Mila sa Holy Trinity Memorial Chapels sa Sucat Road sa Parańaque City at kri-nimate noong Sabado.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: