Snooky Serna, nakabawi na sa pagkamatay ni Mila Ocampo

Snooky Serna

Snooky Serna

UNTI-UNTI ay natatanggap na ni Snooky Serna ang kamatayan ng kanyang inang si Mila Ocampo hindi tulad noong  isang linggo na panay lang ang kanyang pagmumukmok sa isang sulok nang dahil sa pagtangis at pighati sa trahedya.

Namatay si Mila noong ika-6 ng Enero, 2010 nang dahil sa malubhang karamdaman ng emphysema.

“I need to face the world,” pahayag ni Snooky sa premiere showing ng pelikulang “Sagrada Familia” na idinirek ni Joel Lamangan para sa Legalas Productions.

Kaya nga makaisang linggo mula nang ma-cremate si Ocampo ay nagsimula nang tumindig muli sa kanyang mga paa si Kookie.

                                                          ***

          Ang unang ginawa ng aktres ay makipag-ugnayan sa kanyang talent manager na si Leo Dominguez dahil may bubuksan silang pelikula at ito nga ay ang “Sagrada…”

Kahit na mabigat pa ang kanyang dibdib ay pinilit ni Sernang paganahin ang kanyang isip imbes na ang kanyang emosyon para maisakatuparan ang kanyang mga plano.

At nag-text na siya sa mga kaibigan niyang miyembro ng peryodismong pampelikula para dumalo sa premiere night na idinaos kamakalawa sa SM Megamall Cinema.

Nakalagay sa mensahe na inaanyayahan niya ang lahat ng mga kaibigan sa panulat na dumatal sa okasyong ‘yon dahil ang kanya namang manager ay nandoon din.

Pangkalahatang imbitasyon ito sa mga kinauukulan at naipadala ni Kookie sa peryodistang pampelikula na si Chito P. Alcid.

Pagkatapos noon ay ipinadala naman ni Chito sa amin ang mensahe.

At dahil si Serna ‘yan, mabilis pa kami sa alas kuwatro na tumugon sa kanyang panawagan dahil marami na kaming pinagsamahan ng aktres na ito.

***

Sa cinema lobby ay kausap ni Kookie ang ilang mga peryodistang pampelikula sa pangunguna ng mag-asawang Benjie Felipe at Liza Endaya.

Nag-iiiyak si Kookie sa panayam dahil naaalala na naman niya si Tita Mila.

Kung nandoon anya ang kanyang ina ay maliligayahan ito sa tagumpay ng kanyang premiere night dahil maraming tao sa pangunguna niya at ng kanyang direktor na si Joel. Nandoon din si Gloria Diaz at ang line producer ng pelikula na si Dennis Evangelista. Panauhin ang mag-asawang Ellen Ongkeko-Marfil at Martin Marfil. Kaibigang matalik ni Lamangan si Ongkeko-Marfil kaya nandito ang isa sa mga respetadong direktora ng pelikulang Pilipino.

Ang scriptwriter ng pelikula, si Racquel Villvicencio ay nandoon din maging mahal sa buhay ni Kookie na si June de Vera.

***

Nang umandar na ang pelikula ay lumantad ang pagiging makapangyarihan nito dahil sa paksang incest o ang pagkakaroon ng relasyong sekswal ang dalawang taong magkadugo.

Kagila-gilalas ang kuwento ng isang parang masisiraan ng bait na anak ng isang koronel sa pulis na si Emilio Garcia na asawa ni Kookie at anak nila si Lovi Poe.

Nang magpunta sa Italy si Serna para magtrabaho bilang caregiver doon ay nabuntisan ng kanyang mister ang kanilang anak at nang matuklasan ito ni Kookie ay siya’y nabigla’t hindi makapaniwala pero dahil buhong ang asawa ay kailangan siyang parusahan.

***

Saglit na nakabawi si Kookie sa kanyang pighati dahil sa kagandahan ng pelikula at ang dati’y para siyang matutumba sa hilo dahil sa pag-iyak sa kamatayan ni Mila ay naglaho sa mga sandaling ‘yon.

Maraming pumuri kay Serna at nang dahil dito ay naibsan kahit bahagya ang kanyang kalungkutan.

One Response to “Snooky Serna, nakabawi na sa pagkamatay ni Mila Ocampo”

  1. Needed to compose you a bit of observation so as to thank you yet again for all the awesome information you’ve provided on this site. It has been really extremely open-handed with you to deliver unhampered all a number of us could have distributed as an e book to help make some cash on their own, mostly since you might have tried it in case you decided. The good tips also acted to become fantastic way to recognize that the rest have similar desire really like my own to learn great deal more in regard to this matter. I am sure there are lots of more pleasurable situations up front for people who browse through your site.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: