Ang pelikulang “Rekrut” kaya ng ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival

Emilio Garcia

Emilio Garcia

Cast of Rekrut

Cast of Rekrut- Meko Buenaventura, Acey Aguilar, Eduard Orgel Jr, Rob Sy, Diomar Dyangco and Jm De Guzman

Magkaroon din ng pagkakataon na makilala sa ibang bansa?

Pinangungunahan ito nina Emilio Garcia, Dominic Roco at marami pang iba.

Ipinakikilala rito siu Eduardo Orgel na dating assistant ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel sa Outline Films.

Ang peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ang instrumento sa pag-aartista ni Orgel at ito ang nagsabi sa baguhan na mag-audition sa pelikula ng Cinemalaya.

May isang pelikula ang 6th Cinemalaya Independent Film Festival na kinukunan pa sa kasalukuyan na kalahok sa sampung naglalaban-laban sa full length feature, ang “Rekrut” na tungkol sa mga nagsusundalo sa Pilipinas.

Tampok dito sina Emilio Garcia, Dominic Roco at marami pang iba.

Ipinakikila rito si Eduard Orgel na alaga na ng peryodistang pempelikula na si Dennis Adobas.

Si Dennis din ang instrumento kung bakit nakapasa sa pelikula si Eduard.

Dating assistant ng kontrobersyal na direktor na si Jowee Morel si Eduard.

***

Bukod kina Linda at Carpio, naiuwi rin ng “Lola” ang Best Cinematography para kay OdysseyFlores.

Maganda talaga ang potograpiya ng kabuuang obra ni Brillante na nagwagi rin ng Our Lady Harmiguada de Oro o Grand Prize.

Biruin mo na halos maani lahat ng pelikulang ito ang mahahalagang gantimpala sa isa sa mga pangunahin at prestihiyosong pestibal sa Europa at sa buong mundo.

Nauna rito, noong isang linggo rin ay nakamit din ng “Lola” ang Grand Jury Prize sa 2010 Miami International Film Festival sa Miami, Florida.

Nakamtan ni Brillante ang halagang $25,000 bilang premyo kaya milyonaryo na naman siya at ipinagmamalaki pa ang Pilipinas sa kanyang tagumpay.

***

Kung ang “Lola” nga sana ang ipinadala ng FAP sa Oscars, mas malamang kaysa hindi, napasok man lang ito kahit hindi manalo sa finalists o baka nanalo pa nga sa Best Foreign Language Film category.

Pero sana ay nakinig ang FAP kay Dante kahit na interest ng filmmaker ang nakasalalay sa pagpapadala ng lahok ng Pilipinas sa Hollywood.

Kabisado na kasi ni Dante Mendoza ang pulitika sa showbiz sa buong mundo kaya alam niya ang pasikut-sikot o rikotitos ng pagpili ng mga takbo ng utak ng mga taga-Hollywood.

Hindi naman ibig sabihin na may pulitika ay masama na.

Ang pulitikang kaugnay rito ay ang kustombre ng mga pumipili ng mga dayuhang lahok sa Oscars at hindi ito dispalanghado kundi katotohanan ng buhay roon.

Kung may pulitika man ay magaganda ang pinagpipiliang lahok at pamilyar na ang AMPAS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: