CARIDAD SANCHEZ: Southern STAR!

 

BY:DENNIS ADOBAS

CARIDAD SANCHEZ: Southern STAR!

CARIDAD SANCHEZ: Southern STAR!

Iilan lang marahil ang nakakaalam na bago naging artista sa Visayan movies si Caridad Sanchez ay isang champion declaimer at singer na siya sa school nila sa University of the Visayas.

Nang magkaroon ng audition para sa Visayan movie na “Dimakaling”, ay in-encourage si Caridad ng mga kaibigan at kaklase niyang sumali.  Needless to say, pumasa siya with flying colors at ibinigay sa kanya ang papel ng isang inosente at batambatang rape victim!  ‘Yon ang first movie niya!

Sa pangalawang pelikula niya, ang “Politica”, ginampanan naman ni Caridad ang isang tomboyish na anak ng isang pulitiko na against sa magulong mundo ng pulitika pero napahinuhod na pumalit sa tatay niya nang pinatay ito ng kalaban.  Tumakbo siya at nanalo!

ENCOUNTER WITH FERNANDO POE, JR. Malaking artista na si Caridad sa Cebu nang makilala niya si Fernando Poe, Jr. na hindi pa artista noon.  May kompanya kasi doon ang pamilyang Poe na nagpaarkila ng mga movie equipment at siya ang in-charge.  Naging best of friends sila at nabanggit ni FPJ na kapag magpunta siya ng Maynila ay hanapin o tawagan lang siya!

Nang bumalik na sa Maynila ang batang si FPJ at mag-artista sa pelikulang “Palaris” ay naisipan ni Caridad na humabol.  Gusto niya kasing maging artista sa pelikulang Tagalog.  Para sa mga taga-Cebu noon, ang Tagalog movies ay parang Hollywood!  This was in 1959 at dapat ay mag-umpisa na siyang mag-shooting for her solo movie “Garbosa”.

Sa Escolta nagtagpo muli sina FPJ at Caridad. Pero hindi si FPJ ang instrumental in her entrance to Tagalog movies but a certain LVN production man Nazario Bas who introduced her to the PRO of LVN, Arturo Dimayuga and Maring Sevilla who was a niece of LVN producer Dona Sisang de Leon.

FIRST TAGALOG MOVIE.  Palibhasa’y likas na mahusay umarte, pumasa kaagad si Caridad at isinama siya sa pelikulang “Malvarosa” with Charito Solis and Rebecca del Rio bilang isa sa maraming girlfriend ni Vic Silayan.

Sumunod naman ang “Hiwaga Ng Pag-ibig” with Lita Gutierrez and Val Castelo.

Pinaka-big break ni Caridad bilang isang baguhang artista ang “Casa Grande” ni Direktor Manuel Conde kung saan ay papel ng isang anak sa labas na gahaman sa kayamanan ang papel niya.

Maraming pelikulang musical-comedy at action ang ginawa ni Caridad pagkatapos ng tagumpay ng “Casa Grande”.

MARUJA.   Maituturing na big, big break ni Caridad bilang dramatic actress ang “Maruja” starring Susan Roces and Romeo Vasquez.  Dapat ay maiksi lang ang papel niya dito pero dahil sa ipinakita niyang husay sa dramatic scene niya with Romeo sa may hagdanan kung saan ay totoong luha ang umagos sa mga mata niya, pinahabaan ni Direk Armando de Guzman sa scriptwriter ang role niya!

Unang na-nominate as Best Supporting Actress si Caridad sa mga pelikulang “Magtiis Ka, Darling” at “Scout Rangers”.

IN-DEMAND. Sumunod ang maraming-marami pang pelikula ni Caridad, the most noteworthy of which are “Wanted Perfect Mother”, “Dito Sa Puso Ko”, “Forevermore”, “Panaghoy Sa Suba” (with Cesar Montano which was like coming home to Visayan movies because her lines were in Cebuano) and the Cinemalaya film “Saan Nagtatago si Happiness?”

In between doing movies ay naging in-demand din si Caridad in television soap operas, the latest of which ay ang “Grazilda” on GMA-7 playing the role of Geoff Eigenmann’s granny.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: