1st Lingkod TV Awards, Malaking Tagumpay!

BY: DENNIS ADOBAS

Awardees Childs

Awardees Childs

Dahil sa Lingkod TV Awards at kay Bimby, malamang na magkabalikan ang estranged couple na sina Kris Aquino at James Yap!  All throughout Tuesday night, December 28, they were a picture of a happy family with Bimby stealing the limelight from his celebrity parents!  Gabi niya naman kasi ‘yon being an awardee samantalang mga “dakilang alalay” niya lang sina James at Kris.

Maituturing na “star of the night” talaga si Bimby, outshining two other child awardees, Zaijan Jaranilla (for “May Bukas Pa” and “Noah”) and Jillian Ward (for “Trudis Liit”). Kung pagbabasehan ang close-up shots sa kanya ng TV camera, siya talaga ang pinaka-star sa lahat ng mga celebrities na dumalo. Halos lahat ng press photographers at network cameramen ay sa kanya nakatututok.  Naging crowded nga sa area nila, sa right side of the audience!

A typical precocious three-year old kid si Bimby. Malikot, shifting places and making faces kaya’t naging paborito siya ng camera!  Nang tawagin na siya as an awardee, kumawala siya from the clutches of his dad at patakbong umakyat ng entablado, tinanggap ang trophy and mumbled his acceptance speech which elicited laughter from the audience at parang napahiyang bumaba ng stage!  Come to his rescue naman si Kris na umakyat na rin sa stage and said “hindi ka nila pinagtawanan, they’re clapping for you!”.  Nagpasalamat si Kris sa National Council for Children’s Television (NCCT) at sa Department of Education (DepEd) who are behind Lingkod TV.

Umakyat na rin si James at nagpasalamat for his son’s award.

Nang dumating si Mrs. Cecile Guidote-Alvarez, dating Executive Director ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at awardee rin for her TV program “Sining Gising”, ipinakilala ito ni Kris kay Bimby.  “She’s a good friend of your lola (Ex-Pres. Cory Aquino)!”.  Sagot ni Bimby:  “But Lola is dead!”.

Hindi nakarating ang dalawang Lifetime Achievement Awardees na sina Dolphy at Vilma Santos.  Pero nagpadala sila ng proxy at may video-recorded message naman si Ate Vi.

Wala rin ang iba pang awardees like Aga Muhlach and Charlene Gonzales, Jodi Sta. Maria- Lacson, Bantay Bata, GMA Kapuso Foundation, Anak TV, at iba pang child-friendly TV personalities and TV shows.

But KC Concepcion and Gladys Reyes were there to personally accept their awards.

Ang ganda-ganda ni KC!  From a distance, para siyang foreigner sa kaputian.  Nagpasalamat siya sa NCCT-DepEd at sa lahat ng taong nagturo sa kanya ng mga mabubuting bagay at sa mga taong nakatulong para maging siya si KC Concepcion!   Naalala niya raw ang nabasa niya sa isang libro na “Don’t let people look down on you because you’re young!”.

Sexy na uli si Gladys sa kanyang figure-hugging red gown.  Nang batiin nga namin siyang Paskong-Pasko siya sa suot niya, sagot niya:  “Ano ka ba, Iglesia kami kaya wala kaming Pasko!”.

Isang refreshing,maganda at brilliant innovation ng NCCT Executive Director na si Frank Rivera ang paggamit ng apat na young program hosts. Bagama’t first-timers lahat, napakahusay nina Tristan Viktor Santos, Miguel Paulo C. Mendoza, Mia Irish B. Custudio at Alexa Jeanne R. Lasch!

Congratulations sa mga winners!  Congratulations din sa mga taong nasa likod ng groundbreaking 1st Lingkod TV Awards!  Frank G. Rivera, Desi Atienza, TV coverage director CJ Andaluz, Willyan Maglente at sa production staff ng “Sining Gising” ng NBN4 kung saan ipalalabas ang coverage first Sunday of January, 4pm.  Mabuhay kayong lahat!

*****

Tuwang-tuwa si Lou Veloso nang makarating sa kanyang nanalo ng Lingkod TV award ang child actor na si Zaijan Jaranilla.  Kasama niya kasi ito sa “Noah” ganundin si Piolo Pascual!

“Very much deserving si Zaijan sa award!”, sabi ni Lou.  “Magaling talaga siya at masayang kasama!  Magalang din siya sa mga kasama niya at kahit sikat na sikat na siya ay hindi mo makakakitaan ng paglaki ng ulo!  Congratulations, Zaijan!”.

Isang mahalagang papel ang ginagampanan ni Lou sa “Noah”.  Siya si Zadua, isa sa mga village elders sa islang Noah na may psychic power.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: