Best Actress award ni Ai-Ai, kinu-question!

 

BY:DENNIS ADOBAS

 

Best Actress award ni Ai-Ai

Best Actress award ni Ai-Ai

 

Hanggang ngayon, more than a week after the Metro Manila Filmfest awards night, ay malakas pa rin ang bulung-bulungan na kaya nanalong Best Actress si Ai-Ai delas Alas ay dahil sa ginapang ito ng Best Friend Forever niyang si Kris Aquino!  Can’t make heads or tails?
Chairman of the Board of Jurors si Edwin Lacierda na Spokesman ni Presidente Noynoy Aquino na kapatid ni Kris Aquino na BFF ni Ai-Ai.  Medyo malinaw na ang konek-connect?  Kaya nga raw nag-decline na si Kris as Best Actress nominee (for “Dalaw”) para mas may tsansang manalo si Ai-Ai (for “Tanging Ina”)!

Naghuhugas ng kamay si Lacierda.  Aniya:  “Kris had nothing to do with it.  The judges voted on the basis of each nominee’s individual performance and Ai-Ai obtained the highest score.  Her performance was well-rounded and I believe she really deserves to win!”.

In fairness to Kris, the judges and to Ai-Ai na rin, napakahusay niya sa “Tanging Ina”.  Kinabagan ako sa katatawa!  Ang hirap-hirap magpatawa, baka akala ng mga detractors nina Ai-Ai at Kris!  Mas madaling magpaiyak, sa totoo lang!

*****

Mainstay na pala ng “Kristine” afternoon soap ang versatile actress-singer na si Geraldine Tan.  Akala niya ay one-shot deal lang ang guesting niya sa nasabing drama series pero tila nagustuhan ng direktor at talent coordinator ang performance niya kaya itinuloy-tuloy na ang papel niya as the obstetrician-gynecologist ni Bangs Garcia.

Halos lahat ng medium for performances ay nagawa na ni Geraldine.  Movies, television, theater, music video, stage musical (as singer) and dancefloor (ballroom dancing).  Paborito siyang kuning aktres ng mga award-winning filmmakers like Brillante Mendoza (“Lola”), Milo Tolentino (“Si Baning, Si Maymay at ang Asong Si Bobo”), Jon Red (“Bicycle”), Richard Legaspi (“Paano Ko Sasabihin?”) and Jowee Morel (“Latak”).

Produkto si Geraldine ng Repertory Philippines, New Voice Company ni Monique Wilson, Dulaang UP at iba pang theater companies.

Graduate ng UP-Diliman Conservatory of Music (major in Voice) si Geraldine.

*****

Hulaan n’yo kung sino itong beteranang character actress-comedienne na diumano’y nagtago sa mga reporters noong Pasko?

Mahusay sa voice-acting ang comedienne na ito.  Nang minsang tawagan siya ng isang writer ay nag-boses katulong diumano siya at sinabing tulog ang amo niya.  Nang malamang may offer ang writer for an out-of-town show, biglang sinabi ng “katulong” na “Ay, gising na pala si Ma’am!  Sandali lang po, tatawagin ko lang!”.

After mga 5 minutes, nag-Hello! na si comedienne.  Pero nag-voice-acting pa rin daw ang bruha na kunyari ay bagong-gising.  Bedroom voice ang ginamit!

“Merry Christmas, Mother!”, bati ng writer.

“Merry Christmas din!”, sagot ng bruhilda.  “Kailan ‘yong show at saan?”

“Anong show ang sinasabi mo?” sagot naman ng bading. “Mother, walang show, charot ko lang ‘yon sa katulong mong mahadera para ibigay ang phone sa ‘yo!  Hahahahaha!”

Blag!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: