DAN FERNANDEZ, May action series sa TV5!

BY:DENNIS ADOBAS

Sadyang napakalakas ng kaway ng showbiz na hindi pwedeng bale-walain at hindi pansinin!  Ito ang napatunayan ng action star na si Dan Fernandez na ngayon ay nasa kanyang second term na as Congressman ng Laguna!

Alam n’yo bang may bagong action series sa TV5 si Dan kasama ang iba pang action stars?  Ito ay ang “PNP, P.A.C.E.R., Special Action Force” na nagtatampok din kina Monsour del Rosario, Roi Vinzon, Alvin Anson, Levi Ignacio, Patrick Patawaran at Geneva Cruz. Sa direksyon ito ng action director na si Romy Suzara na kung atin pang natatandaan ay paboritong direktor ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Weekly series ito na ala-“Expendables” ni Sylvester Stallone.   Diumano’y ginagawa ito to boost the image of the police force na naapektuhan dahil sa botched hostage-taking crisis involving a police officer who was dismissed from the service.

*****

 

May gagawin na palang pelikula sina Richard Gutierrez at Solenn Heusaff na nababalitang may relasyon na kaagad.  Ito ay ang “Suddenly, It’s Magic” na ipoprodyus ng GMA Films.

Ayon sa mga bulong-bulongan, botong-boto raw ang mommy ni Chard kay Solenn para sa kanyang anak dahil sa nasa kuwadra rin ito ng mga talents niya at nagagandahan daw siya sa French-Pinay actress.  “Pasisikatin kita, ‘Day!”, bulalas daw ni Annabelle Rama nang una niya itong makita.

Parang sila-sila, kami-kami ang rela-relasyon ngayon.  Alam n’yo bang ang boyfriend ngayon ni Anne Curtis (na ex-GF ni Richard Gutierrez) ay ang kapatid ni Solenn na girlfriend naman ngayon ni Chard?

Anyway, si Mac Alejandre raw ang direktor ng “Suddenly, It’s Magic”. Abangan ang mga madramang eksena sa gitna ng ulan!  Hahahaha!

*****

 

How true na nagmamaktol si Gil Portes dahil hindi napasama sa Cinemalaya ang kanyang isinabmit na pelikula?  Best Picture pa naman sa Cinemalaya last year ang kanyang “Two Funerals”!

Ang limang na-consider sa Directors’ Showcase ng Cinemalaya 2011 ay ang “Bisperas (Eve) ni Jeffrey Jeturian, “Busong (Fate)” ni Auraeus Solito, “Henerala” ni Mario O’Hara, “Isda (Fable of the Fish) ni Adolfo Alix, Jr., at  “Patikul” ni Joel Lamangan.

Sa New Breed Full-Length Category naman, ang mga finalist ay:  “Amok” ni Lawrence Fajardo, “Ang Babae Sa Septic Tank” ni Chris Martinez, “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” nina Alemberg Ang at Alvin Yapan, “Baby Factory” nin Edwardo W. Roy, Jr. at Jerome Zamora, “Cuchera” nina Joseph Israel M. Laban at Janice O’Hara, “E-Libings: Your Loss, Our Luck” ni Rommel Andreo Sales, “Ligo Na U, Lapit Na Me” nina Noel Ferrer, Jerry Gracio at Erick Salud, “Nino” by Loy Arcenas, “Teoriya” by Alistaire Christian E. Chan, at “The Dog Show” by Ralston G. Jover.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: