Lou Veloso: NCCA “Ani Ng Dangal” awardee!

BY:DENNIS ADOBAS

 Lou Veloso:  NCCA "Ani Ng Dangal" awardee!

Lou Veloso: NCCA "Ani Ng Dangal" awardee!

 

“When it rains, it pours!”, sambit ni Direk Naning Estrella, Chief of Staff ni Manila City 6th District Councilor Lou Veloso.

Ang tinutukoy ni Estrella ay ang sunod-sunod na awards na inaani ni Lou sa loob ng anim na buwan.  Pagkatapos niyang matanghal na Best Actor sa Brussels International Film Festival para sa kanyang makatotohanang pagganap bilang ex-convict na naghahanap ng nawawala niyang
anak sa Cinemalaya film na “Colorum” (na nagpanalo rin sa kanya ng Cinemalaya 2009 at URIAN Award Best Actor trophies), ginawaran naman siya ng FAMAS (the Philippines’ counterpart of Hollywood’s OSCAR) ng Lou Salvador Sr. Memorial Award last December 13!

Just recently ay nakatanggap naman ng official letter of notification si Lou from the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na isa siya sa mga Filipino artist international  achievers na gagawaran ng “Ani ng Dangal Awards” next month in conjunction with the celebration of the Philippine International Arts Festival (PIAF) which has for its theme “Ani Ng Sining”.

Sa Malacanang gaganapin ang awarding.  Hindi pa definite ang date, bagama’t within February 25 to 28, 2010 ito naka-schedule.

Bago ang awarding ay magkakaroon ng “Ani ng Dangal” exhibit at the NCCA Gallery in Intramuros starting February 4 wherein the works and achievements (trophies, medals, citations, pictures, videos, etc.) of all the awardees will be on display.

Ayon sa project coordinator na si Ms. Joanna Beo, PIAF is a month-long and nationwide activity that aims to promote Philippine culture and the arts, highlighting the empowerment of the Filipino creativity and imagination.  It also coincides with the National Arts Month activities.

*****

Very enterprising talaga itong kaibigan naming production designer-scriptwriter-budding filmmaker na si Lino Dalay.  Biruin mong ginawa niyang income-generating singles bar sa gabi ang kanyang artifacts/curio shop na Ang Buhay at Hugis sa Paete Heritage Shop sa Paete, Laguna?

Binuksan niya ito last December 18.  Sayang at hindi kami nakadalo, pero dumating daw sina Direk Maryo J. delos Reyes (na may hot spring resort naman sa Los Banos, Laguna), Direk Gil Portes, mga local personalities and arts patrons ni Lino.

Si Lino ay pamangkin ng yumaong direktor na si Felix Dalay. May dinidirek siyang pelikula ngayon  starring Leandro Baldemor.

*****

Ipinapalabas na sa mga sinehan ngayon ang full trailer ng horror film ni Chito Rono na pinamamagatang “Bulong” na tinatampukan nina Angelica Panganiban, Vhong Navarro and Bangs Garcia, among others.

Mukhang matino ang pelikula dahil matino naman talagang gumawa si Rono.  Dapat nga yata ay ito ang horror entry ng Star Cinema instead of “Dalaw”.

Maganda ang box-office track record ni Rono sa horror films.  Sa kanya ang “Feng Shui”, “Sukob”, “Hula” at “T2”.  May kutob kaming tatabo rin sa takilya ang “Bulong”!

One Response to “Lou Veloso: NCCA “Ani Ng Dangal” awardee!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: