Vangie Labalan, puring-puri si Kylie Padilla!

BY: DENNIS ADOBAS

Aside from being a most sought-after character-actress and comedienne ay very much in-demand din bilang acting mentor si Madam Vangie Labalan.  Dahil freelance siya, she swings between and among GMA-7, ABS-CBN and TV5.  Iba na ang magaling!

Katatapos lang ni Ms. Labalan mag-acting workshop sa cast ng “Machete” for GMA-7:  Aljur Abrenica, Kylie Padilla, Bela Padilla at iba pa.  Sa lahat ay puring-puri niya ang anak ni Robin Padilla na si Kylie.

“Napakahusay ng batang ‘yan!  Ibang klase!  Very intense! Talagang may pinagmanahan!”, sunod-sunod na papuri ni Vangie kay Kylie.

Si Aljur naman daw ay masyadong seryoso pero hindi naman stiff.  “Magaling din!  Konting hasa pa at pwede na siyang mag-solo bilang dramatic actor!”, ani Vangie.

May ibubuga rin daw si Bela bagama’t mas magaling sa kanya ang pinsan niyang si Kylie.

Bilang aktres ay regular na napapanood si Vangie sa “Imortal” kung saan nanay-nanayan ni Angel Locsin ang papel niya.

*****

Talking about mga batang aktres na may pinagmanahan, hindi namin akalain na may dalagang anak na pala sina Nonie Buencamino at Shamaine Centenera-Buencamino na nasa teatro.  She is Delphine Buencamino na gumaganap na bida bilang Zafira sa production collaboration between Dulaang UP and SM Cinema ng “Orosman at Zafira”.

Delphine is a Philippine High School for the Arts graduate (major in Theater).  Tatlong taon pa lang daw siya ay artista na siya.  Hindi raw siya pinilit kundi “encouraged” by her parents na mag-artista rin kaya nag-enrol siya sa acting, voice and dance classes/workshops.

Isa pang may dugong-artista na kasama sa “Orosman at Zafira” ay si Tao Aves na anak ina Grace Nono at Bob Aves (musikero).  She plays Zelima.

Ang iba pang nasa cast ng “Orosman at Zafira” ay sina Maita Ponce (alternate as Zafira), Jay Gonzaga (Orosman), Roeder Camanag (Abdalap),Jean Judith Javier (Gulnara), Jacinta Remulla (alternate as Gulnara), Red Concepcion (Aldervesin), Gabs Santos (alternate as Aldervesin), Acey Aguilar, Natasha Cabrera, Neil Tolentino, Nazer Salcedo, Ronnie Martinez, Dulaang UP Ensemble  at iba pang magagaling na student actors as supports.

Contemporary adaptation ito ng original work ni Francisco “Balagtas” Baltazar na isang “comedia”  sa direksyon ni Dexter Santos at original music ni Carol Bello. Produced by Darwin Mariano and Carlo Miguel Francia.

Ipalalabas sa SM Mall of Asia Centerstage Theater umpisa sa February 4.

*****

Sa press conference ng “Orosman at Zafira” ay nakita at nakausap ko uli ang kilalang designer-couturier na si Christian Espiritu na naging bahagi rin ng mundo ng pelikula noong araw. Kung inyo pang natatandaan ay nag-produce at nagdirek din ng pelikula si Christian noong late 70s.  Ito ay ang “Alaga” na pinagbidahan ni Edu Manzano.

Bata pa noon si Edu.  Alaga at ramp model siya ni Christian noong panahon na ‘yong ni sa hinagap ay makikilala at magiging asawa niya pala si Vilma Santos at magkaank sila ng isang Luis “Lucky” Manzano.

Kaya pala nawala sa sirkulasyon si Christian dahil sa nagpunta siya ng New York at doon nanirahan ng ilang taon.  Now that he’s back, tumigil na siya as designer at nage-edit siya ngayon ng village community magazine ng Ayala-Alabang, ang AAVA News, the reason why he attended the “Orosman at Zafira” presscon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: