Christian Bautista, pinaliligiran ng apat na magagandang babae

Christian Bautista

Christian Bautista

Solen Heussaff

Solen Heussaff

Angel Locsin

Angel Locsin

Georgina Wilson

Georgina Wilson

Anne Curtis

Anne Curtis

Pinaliligiran na ng apat na magagandang dilag pero wala pa ring syota ang tinaguriang Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Nand’yan nga siya sa mga hardin ng Eastwood Mall sa Libis sa Quezon City kapiling sina Angel Locsin, Anne Curtis, Georgina Wilson at Sollen Heusaff pero hanggang doon lang.

Walang romansa.

Dahil ito ay para sa dekorasyon ng kanyang MTV na “Beautiful Girl” mula sa Universal Records na una nang isinaplaka ng beteranong mang-aawit na si Jose Mari Chan.

Apat na bongga at sikat na mga babae pero sa harap ng kamera lang ang relasyon nila kay Christian.

Ang istorya kasi ng MTV ay may apat na babaing idini-date si Bautista nang magkakahiwalay na oras.

Namamasyal sila sa mall at kumakain sa mga restaurant pero lahat sila ay pampubliko lamang.

***

Sa hanay nina Anne, Georgina, Ollen at Angel, sino sa palagay ni Christian ang pinakamaganda?

“A, lahat sila pero si Anne ang pinaka,” walang kagatul-gatol na pahayag ni Christian.

Bakit si Anne at hindi sina Angel, Georgina at Ollen?

“Kasi, matagal na kaming magkasama ni Anne lalo na sa ‘ASAP’ sa ABS-CBN,” kumpisal ni Bautista.

Kaya ang sukatan ng mang-aawit ay ang mas malalim at mas malawak na dimensyon ng pakikipagrelasyon.

Dahil wala naman silang romantikong ugnayan ni Curtis.

“Kaya go, Anne, go!” pahayag ng simpatikong singer.

***

“Hindi pa talaga ako nakakakita uli ng babaing swak sa aking ideals,” sabi ni Christian.

Matagal na silang nagkahiwalay ng kapwa singer na si Rachelle Ann Go subalit wala pang pumapalit sa puwestong iniwan ni Rachelle Ann kanyang puso.

“Pag meron na talaga, sasabihin ko,” sabi ng guwapo at mukhang napakabangong mang-aawit.

Maligaya siya anya sa kaligayahan ni Go sa pag-ibig at nananalangin siya na nawa’y maganda lagi ang kahinatnan ng pakikipagrelasyong romantiko ng dating kasintahan.

May nanliligaw umano ngayon kay Rachelle na miyembro ng bandang Callalily pero hindi pa kumpirmado ni Christian kaya tatanungin niya anya ang dating girlfriend kung ano ang totoo sa balitang ito.

***

Samantala, ang haba-haba ng buhok ni Angel ngayon hindi lang sa literal na kahulugan kundi sa matalinghaga ring ibig sabihin dahil hindi lang isa ang kanyang manliligaw ngayong 2010.

Tatlo-tatlo pa.

Ang suwerte naman ni Locsin.

Hindi na nga lingid pa sa publiko ang paghanga sa kanya ng CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida.

Nagtapat na sa dalaga sa at sa ama nito ang gurong nagsusudlong ng kariton para makapagturo sa mga batang lansangan.

Ayon kay Angel, nakikinig lang siya sa panliligaw ni Efren.

Kahit sa kanyang ama anang aktres ay nanliligaw rin si Peñaflorida para malakas ang dating.

“Nagbibigay siya ng chocolates sa tatay ko,” kumpisal ni Angel.

“Pero ang sabi ko sa kanya, walang expectations. Mabait naman si Efren,” pahayag pa ng bituin.

***

Naaawa nga si Angel sa kinasapitan ng panliligaw sa kanya ni Peñeflorida dahil imbes na purihin at bigyang-dangal ang titser ay pinaratangan pa itong bading.

Kinuwestyon ang pagkalalaki ni Efren.

Pero mabilis sa pagtatanggol si Locsin.

“Hindi ako naniniwala na gano’n siya,” sabi ng aktres patungkol sa isyung bakla si Efren.

Pero wala namang inaamin at nabibisto kay Peñaflorida na siya ay bading.

At kung bading man siya, e, ano naman?

May karapatan ding manligaw, magpasagot ng oo, magpakasal o magkapamilya sa babae ang isang bading.

Malambot lang kung tingnan at kumilos si Efren pero walang basehan ito para akusahan siyang bakla.

***

Ang isa pang manliligaw ni Angel ay si Luis Manzano na naging kasintahan niya noong 2009 pero nagkahiwalay sila nang landas noong Hulyo.

Inamin ni Locsin na tumatawag sa kanya ngayon si Luis para makipagbalikan pero ang laging sinasabi niya ay “wala dapat siyang expectations.”

Noong New year’s Day ang unang tawag sa telepono ni Manzano kay Locsin.

Sinagot ito ni Angel at nagbatian sila ng masaya at magiliw.

Nais ni Lucky na magkabalikan na silang dalawa bilang magkasintahan dahil atat na atat pa rin ang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano na maging Manzano na ang apelyido ng batang aktres.

Ang sabi naman ni Angel ay bukas siya sa panibagong yugto ng kanilang pag-iibigan batay sa mga tamang pananaw sa buhay.

***

“Ang sabi ko nga po kay Luis, baka naman ang ayaw niya sa akin ay nabago na at ang ayaw ko sa kanya ay nabago na rin. Parang we can start from the scratch,” pagdidiin ng dalaga na atat na atat ding pumapel bilang Gregoria de Jesus sa “Ang Paglilitis” na obra ni direktor Mario O’Hara para sa ika-6 na Cinemalaya Independent Film Festival.

Ang “Ang Paglilitis” ay dokyumentaryong obra maestro ni Mario mula sa opisyal na tala ng pagdinig sa kasong pagpatay na iniharap ng kampo ni Andres Bonifacio laban kay Emilio Aguinaldo.

“Gusto ko pong makasama sa pelikula. Kasi, marami nang kabataan ngayon ang hindi na alam an gating history,” pahayag ni Angel na nakatapos na ng paggawa ng isang audio-visual presentation para sa station ID ng ABS-CBN kamakailan.

***

Ang ikatlong manliligaw ni Angel ay miyembro ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Naku, talagang ang haba-haba ng buhok ng dalagang ito na nakakabihag ng maraming klase ng mga binata sa mundong ito.

“Ako naman po ay napakadaling kausap. Pero mas nakatutok ako ngayon sa career ko pero kung talagang kailangang makipag-boyfriend, sige,” wika ng aktres.

***

Kinoronahan naman si Victoria Haynes, dating child star sa isang soap opera sa Channel 9 at nakalabas na sa “Home Along Da Riles” ng Channel 2, bilang Miss Good Grooming Philippines 2010 sa Mandarin Suites ng Gateway Mall kamakailan.

Ang ganda-ganda ni Victoria at malayo na ang kanyang narating.

Mabulas na mabulas na ang batang aktres at handa na sa labanan sa magulo at matinding pagganap sa lokal na showbiz.

Sa kanyang pagpupugay sa mga nanood ng koronasyon, sinabi ni Victoria na titingnan niya ang kanyang magagawa sa showbiz.

Parang debut party ang koronasyon at ang nagsabit ng sash sa kanya ay ang Entertainment Bureau Chief ng ABS-CBN na si Mario V. Dumaual at ang nagputong naman ng korona ay si German Moreno.

Nakipagsayaw din sa kanya si Norman Haynes, ang kanyang amang mining engineer sa Pilipinas mula sa US.

Tiyak na pagkakaguluhang ngayong Taon ng Tigre si Victoria.

One Response to “Christian Bautista, pinaliligiran ng apat na magagandang babae”

  1. I really like your writing style, good information, thanks for putting up : D.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: