MMFF box-office figures, inilabas na!

BY: DENNIS ADOBAS

Dalawang milyong piso lang pala ang agwat ng kinita ng “Agimat Ni Enteng Kabisote” sa “Ang Tanging Ina” sa katatapos na Metro Manila Film Festival!

Sa report ng box-office receipts na inilabas kamakailan lamang ng festival committee, nanguna ang “Agimat…” with P159-M earnings at pumangalawa naman ang “Ina…” with P157-M.  Pangatlo ang “Dalaw” with P96-M at pang-apat ang “Shake, Rattle and Roll XII” with P50-M.

All in all ay P530-M ang kinita ng festival, a little over sa expected gross earnings nila na P500-M.

Sa analysis ng sales figures, lumalabas na si Ai-Ai delas Alas talaga ang top festival moneymaker!  Biruin mong 2-M lang ang lamang sa kanya nina Bong Revilla at Vic Sotto  samantalang solo box-office draw siya at combined forces sina Vic at Bong?

Nangangamoy-sequel ang “Tanging Ina”!  Di kaya, Wenn Deramas?

*****

May magandang review ng “Ang Tanging Ina” ang prolific lifestyle writer na si Pablo Tariman.  Lumabas ito sa blog ng Munting Nayon News Magazine last January 3, 2011.

Base sa review ni Tariman, talagang naaliw siya sa pelikula.  Aniya:  “Every frame of the film elicits guffaws from the audience and as you take a break from an overdose of laughter, you begin to wonder if there is some insightful ending to make those laughters worth the gas pain!…For sustaining laughter galore for close to an hour and a half, Wenn Deramas deserved to be Best Director!…Ai-Ai delas Alas more than lived up to the formula and Eugene Domingo was just happy to fly over the comedy franchise’s nest with glee!”

*****

Naaalala tuloy namin ang pabirong sabi ni Ai-Ai delas Alas sa acceptance speech niya noong MMFF Awards night na ang wish na hindi pa naibibigay ng Diyos sa kanya ay ang mapangasawa niya si Vic Sotto at nang gumawa sila together ng pelikula at sa kanila na lahat ng kikitain!

Ano kaya kung liligawan at pakakasalan ni Vic si Ai-Ai ngayong wala na sila ni Pia Guanio?  Mag-react ka nga, Gwen Zamora!

*****

May panibago na namang natapos na pelikula ang baguhan at misteryosong filmmaker na si Lukas Mercado, ang “Bata Pa Si Rafael” with newcomer Guio Munoz in the title-role.

Bale pang-anim na ito ni Direk Lukas in a year’s time and at the rate he is going, he might be the “Joey Gosiengfiao of the New Millennium!”.  Bongga ba ang title, Direk?

Grabe raw ang lampungan sa pelikula nina Guio at nina Kenji Salvino, Brandon Madrigal, Raven Sy at Jay Javier.  Panay lalaki?  Yes, it’s a gay film!

Si Guio ay lumabas na noon as one of the smorgasbord male stars in “Indie Boys” na ginawa ni Joven Tan together with Kristoffer King, Paolo Rivero at iba pang hindi na namin matandaan ang mga pangalan.

Para sa playdate ng “Bata Pa Si Rafael”, tawag lamang sa 09202965084.

One Response to “MMFF box-office figures, inilabas na!”

  1. ……Kahit si Ai-Ai delas..Alas ay nagulat sa malaking tagumpay na inani ng kanyang pelikulang Ang Tanging Ina Nyong Lahat na official entry ng Star Cinema..ngayong taon sa Metro Manila Film Festival MMFF ………Ayon sa naunang report..ay tumabo diumano ng P20.9 million ang pelikula ni Ai-Ai noong first day of..showing upang pangunahan ang iba pang pelikulang kalahok. So salamat sa Panginoon salamat sa Star Cinema at saka sa lahat..ng kasama namin sa pelikula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: