Andi, naospital sa Baguio!

BY: DENNIS ADOBAS
Andi Eigenmann

Andi Eigenmann, Naospital sa Baguio

Overworked nga yata ang young actress na si Andi Eigenmann.  Just recently ay itinakbo siya sa Emergency Room ng isang hospital sa Baguio City dahil sa nag-hyperventilate ito habang kinunan ang isang eksena sa drama series na “Minsan Lang Kitang Iibigin” ng ABS-CBN!

It was a running scene.  According to our field reporter in Baguio, pinatakbo si Andi ng direktor na si Chito Rono na may backpack at rifle as part of a “military training”.  Sa layo ng tinakbo niya at sa bigat ng dala niya ay nahilo ito!

As of presstime ay okay na raw uli si Andi at tinapos ang mga naiwan niyang eksena.

Kasama ni Andi sa “Minsan Lang Kitang Iibigin” (na hango sa pamagat ng kanta niAriel Rivera) sina Lorna Tolentino, Ronaldo Valdez, Amy Austria, John Estrada, Boots Anson-Roa, Tonton Gutierrez, Coco Martin at Maja Salvador.

*****

We stumbled upon its trailer on YouTube at mukhang exciting panoorin itong comedy-horror film na “Zombadings:  Patayin sa Shokot si Remington”.

Silent ang trailer sa pangalan ng direktor at sa cast bagama’t napanood namin ang mga mukha nina Roderick Paulate, Janice de Belen at Odette Khan.

Abangan na lang natin sa mga sinehan!

*****

Nangangailangan ang Club Mwah ng dalawang gay stand-up comedians at gay dancers to form part of Follies de Mwah.

Ayon kay Cris Nicolas (director-choreographer), the gay dancers should have jazz-ballet background.

Tawag lamang sa 5322826 o 5357943 at hanapin si Cris o si Pocholo Malillin para sa iba pang detalye ng audition.

*****

May concert ang balikbayan actor-singer na si Anthony Castelo sa January 15 sa Teatrino, Greenhills.

Napanood at napakinggan namin si Anthony sa FAMAS Awards night last December 13 sa Teatro GSIS at sa totoo lang, halos hindi nagbago ang boses at hitsura niya even after more than two decades na nawala siya sa Pilipinas!

Sabi ni Anthony, may “surprise guest” daw siya sa concert niya.  Panoorin na lang daw para malaman kung sino ito!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: