Kung bakit walang Lingkod TV Award si Nora Aunor

Ilang araw pagkatapos na pagkatapos ng 1st Lingkod TV Awards last December 28, 2010 ay may lumapit sa aming isang avid Nora Aunor fan.  Masama raw ang loob niya nang mabasa niya sa kolum namin sa SAKSI ang aming coverage article ng naturang awards.  Bakit?  Wala daw kasing pangalan ng kanyang idolo among the awardees!

Nagtaka rin daw siya kung bakit si Vilma Santos ay binigyan ng Lifetime Achievement Award kasabay ni Dolphy samantalang kung ibabase sa local television history ay tanging ang “Superstar” show lang ni Nora Aunor sa RPN-9 ang tumagal ng mahigit dalawang dekada.  In fact ito ang longest-running musical-variety show in primetime slot sa kasaysayan ng telebisyong lokal!

Kinalampag namin ang mga taong nasa likod ng bagong award-giving body na Lingkod TV Awards, specifically si Mr. Frank G. Rivera na siyang Executive Director ng National Council for Children’s Television (NCCT) under the Department of Education.

Narito ang pahayag ni Mr. Rivera:  “Kapatid na Dennis, the NCCT-DepEd Lingkod TV Awards is a new award-giving body and Nora Aunor, who is actually my dearest friend and my most favorite actress has not been active in the industry for the last five years which was our period basis for judging.

“Anyway, it is really heartwarming to know that there are Noranians who really care for their idol.  Sana masabihan nila ang milyon-milyong Noranians na huwag lang lipservice ang pagmamahal nila kay Guy at sana ay bumili sila ng tiket kapag palabas ang pelikula o kaya may concert ang ating Superstar.

“Kung lahat lamang ng Noranians ay ginawa ito, hindi sana nag-flop ang mga huling pelikula ni Guy!

“Sana ay magkaisa tayo sa tunay na pagmamahal at pagtangkilik kay Nora Aunor to pave the way of her successful comeback!”

 

*****

 

Busy as a bee at hindi apektado ang businessman-actor na si Ian Valdez ng pag-slow down ng local movie production.  Iba na ang talented at versatile artist!

Sa ngayon ay binalikan ni Ian ang dati niyang business ng paggawa ng mga gowns, costumes at office uniforms na medyo napabayaan niya nang naging sunod-sunod ang paglabas niya sa pelikula, the most prestigious of which ay ang “Babae Sa Breakwater” ng internationally acclaimed filmmaker na si Mario O’Hara.

“Proud na proud ako na naging bahagi sa paggawa ng pelikulang ‘Babae Sa Breakwater'” ani Ian.  “Nababasa ko ang pag-ikot ng pelikula sa iba’t ibang international film festivals at paghakot ng maraming awards.  That was a truly memorable and prestigious film!”.

Papel ng isang bading na vendor na nagmo-moonlight as a pimp ni Paquita (Katherine Luna) ang ginampanan ni Ian sa “Babae Sa Breakwater”.

Pabalik-balik din si Ian sa Malaysia sa pagdadala ng mga Pinoy singers at dancers sa naturang Asian country.

 

****

Kilala n’yo ba itong hunk na matagal nang matsismis na berde ang dugo at malansa, as in marikona, talyada, taga-ikatlong lahi, sirena, bakla, bading, etcetera, etcetera na ginawang escort boy ng isang business empire heiress sa mga social functions at pati na sa mga travels niya abroad?

‘Day, talang super-inlababu daw talaga si babaeng bakla!  Kahit marami na ang nagsabi sa kanyang lumalafang ng sariling matris ang dyowa niya, wa siya care basta ang importante ay pinaliligaya siya nito nang walang humpay!
Paano naman kasi, may lahing Kano ang dyowa na diumano’y dakota as in isa, dalawa, may sasampalin pa!  Tsuktsak tienes!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: