LOU VELOSO, founder of Samahang Sining at Kalinanagan ng Pandacan

BY: DENNIS ADOBAS

 

Lou Veloso

Lou Veloso

Bukod sa pagiging isang committed public servant, si Konsehal Lou Veloso ay isa ring tunay na alagad ng sining
na naniniwalang isa sa mga tools for progress and education ay ang sining!  This being such, he professes to propagate, develop and enhance the artistic talents of the youth, particularly in his district (6th district of Manila City),

Isa sa mga barangay na nasasakupan ng distrito ni Veloso ay ang Pandacan.  Sa kanyang pag-iikot sa lugar na ito ay natuklasan niyang maraming kabataan ang nagtataglay ng likas na talento sa pag-arte, pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng iba’t ibang musical instruments, pagpinta at iba pang uri ng sining.

“Kaysa naman masayang ang mga talent na ito ay naisipan kong magtayo ng arts group, ang Samahang Sining at Kalinangan ng Pandacan.  Isang paraan din ito para maiwas sa mga masasamang bisyo ang mga kabataan ng Pandacan at matuto sila ng iba’t ibang sining na maaaring magbigay sa kanila ng magandang career sa pelikula at telebisyon”, sabi ni Konsehal Veloso.

Sa Biyernes, January 14, ay gaganapin ang male and female personality-talent search na Mutya at Lakan ng Pandacan sa Liwasang Balagtas.  Magsisimula ang palabas ng alas-7 ng gabi hanggang hatinggabi (sana’y ‘wag umulan, di ba Kagawad Nathaniel?).

*****

Magkakaroon ng screening ng mga gay-themed indie movies ni Direk Cris Pablo sa Robinsons Galleria sa March 28 to April 10.  Tinawag na “The Queer Cinema of Cris Pablo”, ang movie event na ito ay organized ng Independent Filmmakers Cooperative of the Philippines.

Para sa schedule at iba pang detalye, tawag sa 4369348 o 09273613814.

*****

We would like to express our most heartfelt condolence and deepest sympathy to the bereaved family of Mrs. Felicitas Nicolas (mother of Cris Nicolas: president, director and choreographer of Club Mwah) who joined our Creator last Sunday.

The remains of Mommy Felicing are lying in state at Loyola Memorial Chapels in Guadalupe, Makati City.

Burial will be on Friday, January 14.

*****

May nag-text sa 09164942259 na isang avid showbiz watcher kuno from Obando,Bulacan:
“Ask ko lang po why Luis Manzano can’t go and search his own girl?  Why tell Anne Curtis to do it for him?  Di ba part of the excitement ang hunting/chasing skirts? Isn’t he man enuff to do it himself?”

Isa pang texter from Pateros:  “Ano ba ‘yang Vice Ganda na ‘yan?  He is going overboard sa kanyang kabaklaan sa ‘Showtime’.  Hindi niya ba alam na maramingbatang nanonood?  Hanggang ngayon ba, feeling niya nasa Punchline pa rin siya?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: