Heart, pinagkakaisahan?

BY: DENNIS ADOBAS
Heart Evangelista, pingakakaisahan?

Heart Evangelista, pingakakaisahan?

“Why are some people ganging up on Heart Evangelista?”

 

Ito ang tanong sa amin ni Shantee, isang waitress from Sta. Ana, Manila, sa kanyang text message.

Patuloy pa ni Shantee:  “Kawawa naman si Heart, ginagawang parang dartboard nina Annabelle Rama, Raymond Gutierrez at grupo nila.  Pinaglalaruan sa tweet at ginagawang blind item in a negative way ng nanay, pinaparinggan naman ng anak ng harap-harapan!  Si Raymond, kay lalaking tao, is starting a fight with a girl!  Kapwa-lalaki dapat ang hamunin niya ng square at awayin niya!  Ang mga friends nila, tuwang-tuwa naman and they are laughing at her!  Gawain ba ng Kristiyano ‘yan?”

Ang tinutukoy marahil ni Shantee ay ang diumano’y hindi pagpansin ni Heart kay Raymond sa “Party Pilipinas” last Sunday.  Sabi naman ni Heart, tinapik niya si Mond sa likod pero hindi siya nilingon.  Ang version naman ni Mond, lumingon siya pero sa ibang tao naman nakaharap si Heart!

Nang mag-guest si Heart sa “Showbiz Central” (of which Raymond is a host) ay nagparinig nang nagparinig si Mond ng tungkol sa “di namamansin” issue.

Sa pagkakaalam namin, Shantee, ang pinag-ugatan ng lahat ng ito ay ang hindi pag-renew ni Heart ng co-managerial contract with Annabelle less than a year ago.  Doon nagsimula ang galit niya na of course ay normal reaction lamang ng isang taong na-offend!  Bilang anak, si Raymond ay kampi of course sa mommy niya.  Kung ano-anong panunumbat ang sinabi niya, the most emphasized of which ay siya raw ang nag-suggest kay Annabelle na i-handle ang career ni Heart!

Kung kami ang hihingan ng opinyon, ito ang sasabihin namin:  Dapat ay nakipag-usap nang maayos si Heart at ang parents niya kay Annabelle tungkol sa non-renewal ng kontrata.  May utang na loob sila kay Annabelle kaya dapat ay inilagay muna nila sa ayos ang lahat bago umalis sa poder ni Ms. Rama!  Hindi natin masisisi ang mag-inang Annabelle at Raymond kasi sila ang offended party, although there is a proper and legitimate venue where to ventilate your gripes!

Maliwanag na ba, Shantee?  Sige, just keep on texting…

 

*****

 

Palabas na sa ilang piling-piling sinehan umpisa January 26 ang isa sa limang indie films na kabilang sa Metro Manila Film Festival 2010 “Tribute to Indie Filmmakers:  Philippine Premieres”, ang “Rindido” directed by Noriel Jarito.

Ang “Rindido” ay kuwento ng isang Overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho sa Middle East kaya’t umuwi na aburido. Dahil sa biglaan ang uwi niya ay nadatnan niya ang kanyang kalaguyo na may ibang kasiping kaya’t nagwala siya, pinatay sa sakal ang babae at ginulo ang tenement building na tinirhan ng kerida niya.  Sumaklolo ang mga pulis at binaril siya!

Sa limang MMFF indies ay bukod-tanging ang “Rindido” lamang ang classified “R-18” dahil siguro sa sangkap nitong sex and violence.  May maiinit na eksena dito ang lead actress na si Chanel Latorre habang nakipagkangkangan sa OFW at sa kanyang isa pang lover.  Madudugo rin ang mga eksenang suntukan, saksakan at barilan at may naka-close up na tama ng patalim at baril with matching sumisirit na dugo!

Bukod kay Chanel Latorre ay tampok din sa “Rindido” sina Banjo Romero, Vic Tiro at Noriel Jarito sa title role as “Rindido”.

 

*****

 

Marami ang nabigla sa balitang isasara na ang Facebook.  This was really a shocker, coming close on the heels of the movie “The Social Network” which was a true-to-life account of how Mark Zuckenberg invented Facebook!

Mabuti na lang na hoax lang pala ang balita!  Nag-rejoice ang mga Facebook fanatics, ganundin ang mga on-line businessmen na kamuntik nang takasan ng ulirat at pag-iisip sa balitang peke!

One Response to “Heart, pinagkakaisahan?”

  1. Dito nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa….. I LIKE HEART. Una muna naming tinanong kay Daniel ang reaksiyon niya sa pag-amin ni Heart sa isang panayam na lumalabas sila ni Daniel pero hindi sila exclusively dating. to read related story. ….Ano ang reaksiyon ni Daniel sa sinabing ito ni Heart?…. Yeah we really do go out pagsang-ayon naman ng Brazilian-Japanese model at actor. And you know its really nice to have her company as well. ….In love ba siya kay Heart?…. Well I like her a lot shes really nice sagot ni Daniel…..So mahal niya si Heart?…. I really like her! natatawa niyang ulit…..Gaano niya ka-like si Heart?…. A lot a lot! Shes very special shes very nice very kind. ….Enough para gustuhin niyang maging girlfriend si Heart?…. I do.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: