Aktres, nag-ecstasy overdose?

BY: DENNIS ADOBAS
Rindido poster
Sino kaya itong aktres na diumano’y itinakbo sa ospital na pinakamalapit sa lugar nila dahil sa kamuntik nang mamatay due to an overdose of the regulated pill called ecstasy?

Mismong asawa niya raw (na artista rin) ang nagdala sa aktres sa may pagka-upscale na ospital.
Nakiusap raw ang asawa na ‘wag nang i-register ang pasyente at gawing confidential ang pangyayari.  Pero makakalusot ba naman ito sa mga nurses na mahihilig sa showbiz chica?

Ayon sa isang nurse, pangalawang pagkakataon na raw ‘yon na isinugod ang pasyente sa kanilang medical center.  The first time was noong idineretso ito sa basement!  Bakit sa basement?  Di ba mga pasyenteng may mental disorder ang bini-basement?

Ang pagkaospital ng aktres marahil ang pinakadahilan kung bakit nawawala siya sa sirkulasyon.  Ilang buwan nang wala siyang pelikula o television appearance.

Patong-patong na raw kasi ang problemang dala-dala ng aktres.  Marami siyang kaaway, pati na ang sarili niyang kadugo ay hindi niya kasundo.  May sitsit ding madalas silang mag-away ng asawa niyang aktor at ang pinakahuli’y hiwalay na raw sila.

Parehong galing sa showbiz family ang mag-asawa.

Mahilig sa social networking ang aktres at dito niya nailalabas ang mga emotional baggage niya. Dito niya rin nakabangga ang dating kaibigan niyang aktres!

*****

Sa limang indie movies na kasali sa Metro Manila Film Festival 2010 “Tribute To Indies:  Philippine Premieres”, bukod tanging ang “Rindido” lamang ng Waraynon director na si Noriel Jarito ang nabigyan ng MTRCB ng classification na R-18.

Ano bang meron ang “Rindido” na wala ang apat pang ibang indie films?

May pagkakataon nang tuklasin ng mga mahiligin sa pelikulang R-18 kung bakit naging For Adults Only ang “Rindido” dahil sa ipalalabas na ito sa mga sinehan umpisa sa January 26 hanggang February 1.

Ayon kay Direk Noriel, may mga titillating scenes na ginawa dito ang bidang babae na si Chanel Latorre.  May fantasy sequence siyang sini-seduce ang kakangkangan niya played onscreen by Vic Tiro.

Si Chanel ‘yong masuwerteng baguhan na kararating lang from Hongkong where she shot a film entitled “Wanchai Baby” directed by American filmmaker Craig Addison.  Siya ang title-roler dito.

Si Chanel din ‘yong nakipaglamasan ng suso at nakipaghalikan sa isang tomboy sa first movie niyang “Latak”.

Kasama rin sa cast ng “Rindido” ang Robin Padilla-look alike na si Banjo Romero.  Siya kaya ‘yong ka-lovemaking ni Chanel?

Abangan sa “Rindido”!

*****

Kanya-kanyang umpisa na ng shoot ang mga filmmakers na finalists sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival and Competition 2011.

Bagama’t July pa ang festival, minabuti nilang mag-shoot na ngayon para hindi sila ngarag at may panahon pang mag-reshoot kung may mga shots na hindi nila gusto!  This is especially true with first-time directors sa New Breed Full-Length Feature Category.

Last Saturday and Sunday ay nagkaroon ng general audition para sa lahat ng Cinemalaya entries sa 4th floor ng Cultural Center of the Philippines.  Marami ang dumating  — babae’t lalaki, bata’t matanda, bakla’t tomboy.  May isa pang naka-crutches na ayaw palagpasin ang opportunity to act in any of the entries in the country’s most prestigious, most organized, most talked-about indie film
festival!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: