Charice, tinitira ng mga utak-biya!

 

BY: DENNIS ADOBAS

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga entertainment writers na galit kay Charice just because they were not given the chance to interview her!  Anong kasalanan ng bata?  She was there to fulfill her US management office’s commitment to Joel Cruz to perform. And perform she did!

Pinuna pa ng mga pea-brained writers ang kasupladuhan at kahigpitan daw ng mga American bodyguards ni Charice.  My God, hindi kasupladuhan at kahigpitan ‘yon, trabaho nila ‘yon, and they were just following orders from their boss (whether it’s Oprah Winfrey of David Foster, it doesn’t matter at all!).

Kung resourceful at prolific writers sila, they could have written about Charice’s performance.  They could have dwelt on her showmanship, her style, gestures, hand movements, vocal prowess, fashion sense, etc.  May kapansin-pansin bang pagbabago sa pagkanta niya kumpara sa last performance niya?  May bago bang naituro ang mentor niyang si David Foster?

Hindi talaga sanay ang mga utak-biya sa pre-arranged interview session na kailangan pang idaan sa press agent (PRO ang tawag dito sa local showbiz).  Ang nakasanayan nila ay ambush interview na sa totoo lang ay very inconvenient sa interviewee.

*****

May isang potential matinee idol in the person of stage actor Nicolo Magno, Theater Arts student from UP-Diliman.  Suavely handsome, flawless and fair-skinned, tall, mahusay umarte, magaling sumayaw at umarte!

Una naming napanood si Nicolo sa “Shock Value”, isang stage musical na some sort of a satire on local showbiz, lalo na ang tungkol sa “casting couch” ng mga gay TV-movie executives, talent managers and directors.

Ngayon ay nasa “Orosman at Zafira” siya prodyus ng Dulaang UP at Bit by Bit Production na ipalalabas sa Centerstage Theater ng SM Mall of Asia starting February 4. Mismong si Nicolo ang nagsabi sa amin na part of the chorus lang siya dito as a dancer pero okay lang sa kanya dahil sa gusto niya lang talagang lumawak ang karanasan niya sa theater.  Isa pang dahilan, halos lahat ng mga kasama niya dito ay mga kaibigan o kakilala niya na kaya enjoy siya sa company nila.

Sa Ateneo dati nag-aral ng Inter-Disciplinary Studies si Nicolo pero lumipat siya ng UP nang maramdaman niyang pag-arte talaga ang gusto niya!

*****

Here’s some bit of news para sa mga tagahanga ng action star na si Jess Sanchez.  Pwede na pala kayong manood ng mga luma niyang pelikula online.  Just click “jess sanchez” sa google at nandoon ang link.

Ang mga available titles ay:  “Katawan Mo, Langit Ko”, “Pintado”, “Anak ng Kumander”, Terrorist Hunter”, “Magdaleno Orbos”, “Markado” at “Anak ng Yakuza”.

Samantala, abangan ang pagsisiwalat ni Jess ng kanyang mga balak para sa taong 2011!

*****

Na-reject pala ng isang parokyanong gay politician ang isang young TV-movie actor nang minsang i-book ang huli ng kilalang boogaloo.   Ang dahilan?  Naka-shorts at rubber shoes lang daw kasing nagpunta sa hotel room ng bading ang aktor at kitang-kita ang legs niyang tadtad ng peklat kaya’t na-turn off ang lola!  Hindi yata uso sa probinsya nila ang cebo de macho!

Pero hindi naman daw luhaang umuwi ang rejected young actor kasi pinakimkiman naman pala ito to the tune of 20 thou!  Bonggaderang datungera si Mama!

Ang ipinalit ng boogie-woogie sa peklaterang ombaw ay isa pang young actor na in fairness ay flawless at mas maganda ang pigura!  At take note, makabagbag-tonsils daw ang notes, hahaha!

Magkanix naman kaya ang pakimkim ng lola mo?

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: