“NOY” ni Coco Martin, bigo sa Oscars!

 

BY: DENNIS ADOBAS
JM De Guzman, Meko Buenaventura, Eduard Orgel, Dominic Roco and Alchris Galura

JM De Guzman, Meko Buenaventura, Eduard Orgel, Dominic Roco and Alchris Galura

Nanghihinayang kami sa hindi pagkapili ng pelikulang “NOY” na siyang Philippine entry sa Best Foreign Language Film category ng Oscars. 

Ang “NOY” ay dinirek ng baguhang direktor na si Dondon Santos at nagtampok kay Coco Martin bilang title-roler.  Kabituin niya sina Cherry Pie Picache, Erich Gonzales, Joem Bascon, Jhong Hilario at Kristoffer King.

Sinubukan naming kunin ang reaksyon ni Coco tungkol sa pagkabigo ng entry niya pero hindi siya available.

Ang siyam na napili ay “Hors la Loi” (Algeria), “Incendies” (Canada), “In a Better World” (Denmark), “Dogtooth” (Greece), “Confessions” (Japan), “Biutiful” (Mexico), “Life Above All” (South Africa), “Tambien la Lluvia” (Spain), at “Simple Simon” (Sweden).

*****

Sa pamamagitan ng column na ito ay nais naming ipaabot ang aming taus-pusong pakikiramay sa pamilya ni Ms. Jaclyn Jose whose mother, Mrs. Rosalinda Sta. Ana, ay namatay noong January 14 sa edad na 72.

Ang kanyang mga labi ay inilagak sa Arlington Ascension Memorial Chapel sa Araneta Ave., Quezon City. Inilibing siya noong January 21, 2011.

Kilala namin ang mother ni Jaclyn.  Una naming nakilala ito noong ginawa ni Jaclyn ang first movie niyang “Chikas” under Baby Pascual Films and Associates sa direksyon ni William Pascual.  Tampok din sa pelikulang ito sina Lovely Rivero, Rachel Ann Wolfe, Tanya Gomez, Karla Kalua (mother ng magkapatid na Madrigal), Dan Alvaro, Leonard Obal at iba pang hindi na namin matandaan.

Again, our most heartfelt condolence to Jaclyn, Andi Eigenmann, Veronica Jones at mga kapatid!

*****

Magiging busy ang baguhang aktor na si Eduard Orgel sa mga susunod na linggo.  May mga Cinemalaya entry siyang gagawin bagama’t hindi pa alam kung ano-ano ang pamagat.

Magiging busy rin siya sa isang stage play na gagawin ng grupo nina Sonny Valencia, isang award-winning production designer at member ng FAMAS at ALIW Awards Foundation.

Last year ay dalawang pelikula ng Cinemalaya ang sinalihan ni Eduard, ang “Rekrut” kung saan ay isa siya sa labindalawang bida, at ang “Paglilitis ni Andres Bonifacio” kung saan naman ay papel ni General Alvarez (kakampi ni Emilio Aguinaldo na ginampanan naman ni Lance Raymundo) ang kanyang ginampanan.

Si Eduard ay kasalukuyang nagwe-waiter sa Rancho Inasal Restaurant sa Makati City.  Tubong Negros, siya ay tapos ng Computer Science.  He is 21 years old and 5 feet and 8 inches tall.

One Response to ““NOY” ni Coco Martin, bigo sa Oscars!”

  1. nasaan na ung noy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: