Eula Valdes, nage-enjoy bilang Zsa Zsa Zaturnnah!

BY: DENNIS ADOBAS

Zsa Zsa Zaturnnah

Zsa Zsa Zaturnnah

Bilang season-ender ng kanilang 24th Season, ibabalik ng Tanghalang Pilipino ang kanilang longest-running, award-winning (and biggest moneymaking!) original musical comedy na “ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzikal…Vack With A Vengeance!” sa February 18 to March 13 sa Tanghalang Aurelio Tolentino ng Cultural Center of the Philippines.

Pampitong balik na ito ng “ZsaZsa Zaturnnah” na patok na patok sa mga theater aficionados at hindi pinagsasawaan ng mga manonood (gay or hetero) dahil sa palaging may bagong sangkap every time na ibinabalik ito!

Playing the title role again is Eula Valdes.  Sa press lunch ng “ZsaZsa Zaturnnah” na ginawa sa Bed Manila, isang gay dance club located along Maria Orosa St. corner Julio Nakpil St., ay tinanong namin kay Eula kung anong meron ang musical-comedy at gustong-gusto niyang balik-balikan ito kahit na napakaliit ng kinikita niya dito kung ikukumpara sa ibinabayad sa kanya for her television and movie appearances.

Sabi ni Eula:  “The show is fun!  The creative people and everybody involved in this production have become like family to me!  Sa business na ito, hindi lang naman pera ang mahalaga.  Kailangan ding nage-enjoy ka sa ginagawa mo!”.

Hindi lang masabi-sabi nang deretso ni Eula na isa sa mga dahilan kung bakit mas enjoy siya ngayon sa re-run ng “ZsaZsa Zaturnnah” ay si Rocky Salumbides, ang real-life partner niya na gumaganap na Dodong (ZsaZsa’s object of affection) with Arnold Reyes and Prince Stefan as alternates.

Alternating as Queen Feminah Suarestella Baroux are Pinky Amador (first-timer with Tanghalang Pilipino) and Kalila Aguilos. Gabe Mercado and Joey Paras are also alternating as Didi.

Ang dalawa pang bago sa re-run ng “ZsaZsa Zaturnnah” ay ang set design ni Gino Gonzales at lighting design ni Katsch Catoy.

Ang original story ng “Zsa Zsa Zaturnnah” ay ideya ni Carlo Vergara na in-adapt for the stage ni Chris Martinez with Vincent de Jesus creating the words and Chris Millado directing the musical theater staging.

Pwede nang bumili ng tiket sa CCP Box-Office at TicketWorld outlets nationwide.  Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Tanghalang Pilipino, 8323661 o 8321125 locals 1620/1621.

*****

Maraming exciting productions na ipoprodyus ng Tanghalang Pilipino para sa kanilang 25th Theater Season para sa taong 2011 at 2012.

Tulad na lamang ng critically acclaimed musical na “Noli Me Tangere” ni Ryan Cayabyab na ginawan ng libretto ng National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera at ididirek ni Audie Gemora with costume and set design by another National Artist, Salvador Bernal.

Kaabang-abang din ang “Portrait of the Artist as Filipino” na ididirek naman ni Floy Quintos.  Ito ay base sa classic novel ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

Ang iba pang palabas na nasa flyer ng Tanghalang Pilipino ay ang “Walang Kukurap!” na isang suspense thriller combining traditional theater with live interviews and unscripted performances; ang “Bayan-bayanan” ni Bienvenido Noriega, Jr.; “Kutsilyo, Pamaypay at Yantok” at ang “Tonyo, Pepe, at Pule”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: