Daniel Razon, likas na matulungin!

BY:DENNIS ADOBAS

 

Daniel Razon

Daniel Razon

Palawak nang palawak at parami nang parami ang civic, humanitarian and outreach public service programs na ginagawa ng ever-generous UNTV producer and media practitioner na si Daniel Razon (“Kuya Daniel” sa mga tagahanga at supporters niya). Bukod sa libreng pagpapagamot ay meron pa siyang dalawang bagong public service programs:  ang mobile evacuation center na isang malaking-malaking van complete with comfort rooms and kitchen, at ang mobile alternative learning center na iikot sa mga depressed areas.

Ayon kay Kuya Daniel, ang evacuation center ay isang temporary place para sa mga biktima ng sunog, bagyo, lindol at iba pang natural calamities.  Dito patitirahin ang mga walang malipatan kaagad.

Ang mobile alternative learning center ay isang malaking bus equipped with teaching facilities and staffed by qualified teachers who will give basic education sa mga mahihirap.  “This is recognized by and accredited with the Department of Education”, paglilinaw ni Kuya Daniel.

Likas na kay Kuya Daniel ang tumulong sa mga nangangailangan.  Kahit noon pa’y ginagawa niya na ito.

Hindi maiiwasan ang magdudang may tinutumbok na ibang balak si Kuya Daniel sa public service niyang ito, tulad ng pagpasok sa mundo ng pulitika.

Pinakadiin-diinang itinanggi ni Kuya Daniel na may balak siyang maging public servant.  Aniya:  “Noon pa ‘yan, noon pa ako pinagdudahang tatakbo sa eleksyon para sa isang elective post.  Ang masasabi ko ngayon ay ‘yon pa rin:  Wala akong binabalak na ganyan.  Kasi pwede namang tumulong sa kapwa mo kahit hindi ka public servant, di ba?  Wala akong hinihintay na kapalit sa mga ginagawa ko!”

Ito ang matatawag na isang tunay na pagkakawanggawa!  Sana’y tularan ito ng mga taong nakapuwesto ngayon sa pamahalaan!

*****

Puspusan ang pagsu-shoot nina Robin Padilla at Bea Alonzo ng pelikulang “Guns and Roses” under Star Cinema.  Bagong kumbinasyon, bagong film genre, bagong formula na pinaghalong action-drama-love story spiced with comedy.  Baka ito ang magbabalik sa action movies sa pelikulang lokal na matagal nang hindi nauso.

Pero how true na bantay-marino daw si Robin ng asawa niyang si Mariel Rodriguez?  Does this mean na walang tiwala si Mariel kay Binoe?  O baka naman talagang pure pag-aalaga lang ang pagbabantay na ito?

*****

Sino kaya itong sexy-dramatic actress na kaya nawawala sa sirkulasyon ay nasa ibang bansa na pala ngayon at nagtatrabaho bilang escort girl ng mga high-stakes casino players?

Marami ang nanghihinayang sa aktres na ito dahil sa mahusay pa naman sanang umarte and in fact ay nagka-award kaagad sa local and international filmfests sa unang pelikula niya pa lang.  Kaya lang ay may attitude ito at nababaliw kapag na-in love!

May dalawa na siyang anak ngayon na magkaiba ang ama.  Ang ama ng una niyang anak ay isang young actor na sikat na ngayon at malaki na ang kinikita pero ni isang kusing daw na sustento ay wala pang naibibigay sa aktres.  Ang ama naman ng pangalawang anak niya ay walang trabaho.  Ito ang dahilan kung bakit nagpapakahirap siya sa ibang bansa!

Getz n’yo kung sinex?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: