Baron, na-frustrate nang matanggal sa Brillante Mendoza film!

BY: DENNIS ADOBAS

Baron Geisler

Baron Geisler

 

Maraming artista ang gustong maidirek ng Palm D’Or Cannes Filmfest 2009 Best Director na si Brillante Mendoza.  Lumalabas na karangalan ng isang artista at pampaganda ng kanyang resume ang makagawa ng isang Brillante Mendoza film!

Tulad na lamang ng mahusay pero pasaway na aktor na si Baron Geisler.  Dapat pala ay kasama siya sa isang pelikulang ididirek sana ni Brillante pero dahil sa kung anong kadahilanan ay natanggal siya!  Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa “The Buzz” last Sunday ay binanggit niyang isa sa mga nakadagdag sa mga frustrations niya na naging dahilan para malulong siya sa alak ay ang pangyayaring hindi siya natuloy na maidirek ni Mendoza!

*****

Guwapong-guwapo, as in star material daw pala itong Jake Ejercito na anak ni dating Pangulong Joseph Estrada kay Laarni Enriquez at nali-link ngayon kay Andi Eigenmann.

Maraming taga-showbiz ang nakakita kay Jake sa lamay ng lola ni Andi (mother ni Jaclyn Jose) sa Arlington Ascension Columbary two weeks ago.  Sabi ng peryodistang pampelikula-author-filmmaker na si Boy Villasanta, nakuha raw ni Jake ang facial features nina Erap at Laarni.  “Para siyang batang Jesse Ejercito (kapatid ni Erap)!  Di ba si Jesse ang pinakaguwapo sa lahat ng Ejercito brothers?”, komento ni katotong Boy.

On school break lang si Jake since last Christmas.  Anytime ay babalik na siya sa London kung saan siya nag-aaral.  May nag-offer daw sa kanyang mag-artista pero mukhang hindi siya interesado.  O baka naman interesado kaya lang ay alanganin sa oras at kailangan pang magpaalam sa parents niya!

*****

Our most heartfelt condolence to the bereaved family of our colleague Andy Beltran who succumbed to cardiac arrest last January 28.

Si Andy ay dating editor ng Controversial showbiz mag ng Graphic Arts ans Services, Inc. (GASI) noong 1980s.  Bago siya namatay ay naging member siya ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: