Aljur, disappointing as “Machete”!

BY: DENNIS ADOBAS

Aljur Abrenica

Aljur Abrenica

Sino na naman kayang GMA-7 executive ang nagbigay ng ilusyon kay Aljur Abrenica
na puwede na siyang magbida o maging title-roler sa “Machete”?  Ayan tuloy, lumalabas na hindi pa siya handa (read disappointing!) para sa ganitong role!

Napakalamya magsalita at kumilos ni Aljur.  Walang kabuhay-buhay, halos expressionless and wooden ang mukha niya.  Para ngang tumugma sa pagiging wooden statue niya.  Hahahaha!  Idagdag pa dito ang kanyang feminine facial features, mas lalong naging effeminate ang otherwise ay machong “Machete”.

Kung wala lang sanang young audience, mas mabuti pang nag-concentrate na lang ang kamera sa katawan (perfect abs, crotch, muscled chest) ni Aljur.  Papalakpak pa sana ang mga kababaihan at kabadingan!

Aljur is a major letdown, especially because his predecessors (Cesar Montano and Gardo Versoza) were the epitome of masculinity and quality acting combined.

Paging Wilma Galvante!

*****

Tapos na ang Sinulog 2011 Short Film Festival sa Cebu.  Narito ang listahan ng mga winners:

Best Short Film:  1st Prize, “Ukit”; 2nd Prize, “Biyahe”; 3rd Prize, “Regenesis”.

Consolation Prize Winners:  “Hilot”, “What Love Can Do”, “Remember The Child”, “Damgo” and “Life Is Good.

Best Actor:  Chicoy L. Romualdez (“Ukit”)

Best Actress:  Phoebe Kaye Fernandez (“Biyahe”)

Best Supporting Actor:  Edgar Jugadora (“Biyahe”)

Best Supporting Actress: Juana Tundal (“Hilot”)

Best Child Performer:  Ren Ortiz (“Ukit”)

VIDEO DOCUMENTARY:

1st Prize, “Mga Hulagway sa Pagtuo” (Images of Faith)

2nd Prize, “Pagtuo” (Faith)

3rd Prize, “Rhythm and Blushes of January”

Best Director:  Charmaine Maristela-Cagang (“Hulagway”)

*****

Very prominent ang presence ng action star-character actor na si Jess Sanchez sa birthday ng martial arts grandmaster Sir Jun Matagay na ginawa last Saturday, January 29, sa pub house ng birthday boy sa Las Pinas City. Attention-grabber nga ang entrance niya sa party with character actor Richard Duran in tow.

Action star na action star talaga ang dating ni Jess Sanchez, what with his well-built physique na in fairness ay name-maintain niya hanggang ngayon.  Anytime nga na magpatawag ng shooting ang anumang pelikula ay ever-ready siya to shoot!

Hindi kumanta si Jess sa party, out of delicadeza naman kay Rhey Roldan na nagbigay ng isang stand-up comedy-impersonation act!   Bumati lang siya sa may birthday!

Abangan ang mga balitang ipapahayag ng nagbabalik na “Rebelde Ng Mindanao”!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: