Piolo-KC affair, gimmick nga lang ba?

BY: DENNIS ADOBAS

 

Piolo Pascual and KC Conception

Piolo Pascual and KC Conception

Sinalubong ng mga nakataas na kilay ang paglantad ni Piolo Pascual tungkol sa diumano’y relasyon nila ni KC Concepcion.  Kesyo pakana lang daw ito ng mga taga-Star Magic na siyang namamahala sa career ng dalawa ngayon.  Kesyo gimmick lang daw ito geared towards reviving their stagnant careers!

Ayon sa mga detractors nina KC at Piolo (and there are many of them!), wala na raw kasing ibang maisip na pwedeng pag-usapan tungkol sa dalawa, thus the “untimely revelation” about their romantic (?) relationship.  Naging panis na isyu na ang tungkol sa pagkakaroon ni Piolo ng lovechild for him to assert his masculinity na hanggang ngayon ay kinu-question pa rin at itinuturing na “loudest whisper” in and out of showbiz!

KC’s career is in limbo.  Wala yata siyang ibang pinagkakaabalahan ngayon kundi ang pagiging segment host ng “The Buzz” which (in fairness) she’s doing very efficiently.  She is in dire need of a publicity angle to be always talked about and remain a hot item in the gossip mill.  Wala na ba talagang ibang pwedeng maisip kundi ang iugnay siya kay Piolo na isa pang neither here nor there ang career?  Makakatulong kaya ito kay KC?  Hindi kaya siya mahila pababa ni Piolo?

*****

Hindi lang sina Eula Valdes at Rocky Salumbides ang real-life partners who are acting as such in theater in Tanghalang Pilipino’s rerun of “ZsaZsa Zaturnnah…Ze Musikal…Vack With A Vengeance!”.  Gian Magdangal and Sheree are also doing it in the restaging of “RENT” starting February 12 till March 6, 2011 at the Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati.

Nakakatulong ba ang pagiging partners sa tunay na buhay para hindi na nagkakaasiwaan sa mga eksenang halikan at yakapan?

“Yes, in a way!  Kapag familiar na kayo physically sa isa’t isa, wala na ‘yong awkwardness kaya mas natural lumalabas ang eksena”, paliwanag ni Gian.

Gian plays the role of Roger Davis, the songwriter while Sheree breathes life to the character of Mimi Marquez (alternating with Ciara Sotto), the AIDS-afflicted dancer from Cat Scratch Club.

Kasama rin sa cast ng “RENT” sina Al Gatmaitan (alternate as Roger Davis), OJ Mariano (as Tom Collins, the computer genius), Job Bautista (as the drag queen), Fredison Lo, Jenny Villegas, Lorenz Martinez, Carla Guevarra-Laforteza (as Maureen Johnson), Mian Dimacali (alternate as Maureen Johnson).

This revolutionary rock musical is directed by Robbie Guevarra for 9 Works Theatrical.
Para sa mga tiket, tawag lamang sa 5575860 / 5867105 o 09175545560.

*****

Dalawang Pinay ang gumagawa ng balita sa ibang bansa.  They are Danica Flores Magpantay na nahirang na latest Supermodel of the World, at si Thia Megia na isa sa mga nakapasok as “American Idol” top 40 finalists.

Si Danica ay anak ng dating fashion ramp model na si Lala Flores.   May kapatid din siya (ate niya actually) na nagmo-model din abroad.

Si Thia naman ay 14 years old pa lang pero beterana na sa mga singing contests kasi 3 years old pa lang daw at sumasali na siya sa mga pakontes.

Mabuhay ang mga Pinoy!

2 Responses to “Piolo-KC affair, gimmick nga lang ba?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: