Amalia Fuentes, maganda pa rin!

BY: DENNIS ADOBAS

Ipinalabas ang “almost forgotten gem of a movie” ni Elwood Perez, ang “Isang Gabi, Tatlong Babae” last Saturday, February 5, 2011, sa Tanghalang Manuel Conde (Dream Theater) ng Cultural Center of the Philippines.  Retrospective screening project ito ng SOFIA (Society of Filipino Archivists) na siyang naka-retrieve ng kopya nito.

In attendance ang mga stars of that particular movie (Amalia Fuentes, Boots Anson Roa, Orestes Ojeda, Marissa Delgado).  Maganda pa rin ang mukha ni Amalia na tinaguriang “Elizabeth Taylor of the Philippines”.  Pero talagang hindi na mapigilan ang pagtaba niya.  Ganundin si Marissa, maganda at flawless pa rin bagama’t “balyenistic”  (balyena!) na ang paglapad ng katawan!  Exact opposite ng napanood namin sa pelikula na pam-beauty queen talaga ang figure na kadalasan pa naman ay two-piece swimsuit or panty at bra lang ang suot niya sa mga eksena niya kaya’t na-emphasize ang curves niya!

Si Boots ang medyo tumaba lang nang konti pero angelic pa rin ang hitsura at maliksi pa ring kumilos, hindi tulad ni Amalia na parang hirap nang tumayo o lumakad!

Guwapo pa rin si Orestes kahit halatang nag-lose ng weight.  Kasama niya sa screening ang bunso niyang anak na teenager na si Nicole na pagkaganda-ganda kahit walang make-up.
Star material ang bata, hindi lang namin alam kung marunong at may hilig umarte!

Ang galing-galing ni Ray Marcos bilang kontrabidang bum na ka-live in ni Boots na nagpahirap sa kanya at anak niyang lalaki.  For the readers’ info, si Ray ay tiyuhin ng mahusay na indie actor na si Kristoffer King.  Younger sister ni Ray ang mother ni Kristoffer.  Asawa ng dating entertainment editor at FAMAS president na si Ernie Evora Sioco si Ray.

Sumobra sa seating capacity ng theater ang dumating kaya nag-set up ng isa pang screening sa lobby for the benefit of latecomers na media practicioners, film enthusiasts and friends of Elwood kasi bale 64th birthday celebration na rin niya ‘yon (February 3 talaga ang birthday niya).

*****

Nag-enjoy kami sa pelikula.  Very Elwood Perez ang pagkagawa na witty, campy and very entertaining, lalo na ‘yong third episode na tinampukan nina Amalia, Orestes, Luis Gonzales and would you believe, Mary Walter?

Sa totoo lang, minsan pa naming napatunayan na hindi talaga kagalingang aktres si Amalia.  Kulang siya sa sincerity at halatang-halatang umaarte lang siya. Nabe-betray siya ng mga mata niya. Pero hindi mo iku-question ang ganda niya na siyang pinakapuhunan niya sa pag-aartista!

On the contrary, litaw na litaw ang husay ni Boots as a suffering woman blinded by love.  Mahusay din ‘yong batang lalaki na gumanap na anak ni Boots.

Napakahusay din ni Marissa as the scheming mistress of Ramil Rodriguez (my God, napaka-ham actor talaga nito, para siyang estatuwa na walang ka-ekspresyon-ekspresyon kaya siguro may mga eksenang nakatalikod o side view lang siya.  Clever Elwood!) na nagmalupit sa bata. Para siyang younger version of Bella Flores sa kamalditahan.

Nandoon nga rin pala si Bella Flores sa pelikula as the bedmate of Ray Marcos at kahit iisa lang ang eksena niya ay markado talaga sa sabunutan nila ni Boots.

*****

Isa pang event na nagbigay sa amin ng aliw ay ang “Orosman at Zafira” stage musical na palabas ngayon sa Centerstage Theater ng IMAX, SM Mall of Asia.  Ito ‘yong classic work ni Francisco “Balagtas” Baltazar na ginawan ng makabagong treatment ni Dexter Santos sa pamamagitan ng choreography at direksyon, at ni Carol Bello sa pamamagitan ng musika.

Outstanding sa buong cast si Roeder Camanag as Abdalap.  Talagang na-master na niya ang stage as a medium ng kanyang acting and singing talents.  Kapuri-puri din sina Maita Ponce (as Zafira), Tao Aves (singing narrator), Jay Gonzaga (as Orosman) at ang mga supports and chorus singers/dancers.

Kahanga-hanga ang choreography ni Dexter Santos na gumamit ng ballet, jazz, hiphop at ethnic wardance movements.  Isang visual delight ang sabay-sabay na indak, tadyak, lipad at takbo ng dancers sa grand production numbers towards the finale.

Salamat, Dulaang UP!  Salamat Bit By Bit Development Company!  Salamat SM Sinema!

12 Responses to “Amalia Fuentes, maganda pa rin!”

  1. jhun evangelista Says:

    in this movie hindi masyado nahighlight ang good acting ability ni amalia, being a commercial film but lutang na lutang napakaganda niya sa movie. unlike sa films niya divina bastarda, ibulong mo sa hangin, pagibig mo buhay ko, huwag mong angkinin ang asawa ko, she proves to be a very good actress!

  2. jhun evangelista Says:

    Talagang ang legendary actress na si Amalia Fuentes ang pinakamagandang actress in Phil Movies period

  3. MIss AMALIA FUENTES is The “QUEEN Of The UNIVERSE’ ! “GODDESS Of BEAUTY” !

  4. Miss AMALIA FUENTES is “ALPHA & OMEGA” Of PHILIPPINE CINEMA !
    Miss AMALIA FUENTES is The “SUPREME QUEEN Of PHILIPPINE MOVIES” !

  5. Miss AMALIA FUENTES…COVERED ENTIRELY The PHILIPPINE MOVIE INDUSTRY, ALL ACTRESSES Of PHIL. MOVIES (Past -Present), and PHIL. BEAUTY QUEENS TITLE HOLDER !
    …TALBOG SILANG LAHAT SA BEAUTY NI Ms. AMALIA FUENTES !!!

  6. Miss AMALIA FUENTES: The FACE THAT LAUNCHED A MILLION SHIPS !

  7. Miss AMALIA FUENTES: The “MOST GLAMOROUS MOVIE QUEEN” Of The Philippine CINEMA !

  8. Miss AMALIA FUENTES: The “FIRST and The LAST” “ASIA’s MOST BEAUTIFUL ACTRESS/MOVIE QUEEN” !

  9. Miss AMALIA FUENTES: The “FIRST & The LAST” “GODDESS Of BEAUTY” ! Fr.: Yesterday, Today, and Tomorrow !

  10. Miss AMALIA FUENTES: The “EVERLASTING QUEEN Of PHIL. CINEMA” !

  11. AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES AMALIA FUENTES
    F O R E V E R !!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: