Willie, nagkasakit dahil sa galit!

BY: DENNIS ADOBAS

 

Willie Revillame

Willie Revillame

Dalawang magkasunod na araw na absent si Willie Revillame sa “Willing Willie”.  Maaaring napagod siya nang husto dahil sa ito ‘yong mga araw right after his grand birthday bash at Shangi-La Makati.

Pero may nagsabi ring maaaring nagkasakit si Willie kaya siya absent sa show.  Ito rin kasi ‘yong mga araw na katatapos niya lang dakdakan sina John Estrada at Randy Santiago right on his show dahil sa kanyang tampo at galit sa dalawa dahil sa pagtanggap ng mga ito ng offer ng ABS-CBN to host the noontime variety show na ipapalit sa now defunct “Pilipinas Win Na Win”.

Sabi ni Willie sa kanyang mahabang litanya on national television na hindi na hinintay ng dalawa ang noontime show na sana’y iho-host ng dalawa on TV5.  “Hindi pinahalagahan nina John at Randy ang effort ko para magkaroon din sila ng show sa Singko.  Hayan tuloy, si Rico J. Puno na ang ipinalit ko sa dalawa!”, ani Willie.

Ipinaalala rin ni Willie kina John at Randy na ang ABS-CBN din ang nagtsugi sa show nilang tatlo noon na “Magandang Tanghali, Bayan”.  “Tandaan ninyong dalawa, tsutsugihin din nila ang show ninyo!”, panghuhula pa ni Willie sa maaaring maging kahinatnan ng mag-uumpisa pa lang na show na iho-host din nina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga.

Sa matinding galit ni Willie kina Randy at John (at sa ABS-CBN na rin!) ay nagawa niya tuloy na i-promote ang “Eat Bulaga” na magiging katapat ng noontime show ng dalawang “ex-friends” niya.  Pero hindi ba naisip ni Willie na ang “Eat Bulaga” ay magiging opposition din ng TV5 noontime show na ayon sa kanya ay iho-host ni Rico J. Puno?

*****

So, magsasama rin pala sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez sa noontime show ng ABS-CBN very soon.  Kaya pala pinag-reconcile sila ng management kamakailan lamang para hindi sila mag-iwasan o mag-isnaban sa show proper.

How true na umabot ng apat na oras ang “reconciliatory talk” nina Mariel at Toni?  Reconciliatory talk nga ba ‘yon o “sumbatan” session?  Sincere naman kaya ang pagbabati ng dalawa?  Sana naman, kasi dapat ay masaya ang repartee nila dito kasi variety-game show ito at hindi teleserye kung saan ay perfect sana ang samaan nila ng loob kapag may eksenang talakan, sabuyan ng alak at sampalan!  Pak!  Hahahahaha!

*****

Speaking of Rico J. Puno, long, long before Australian teen pop artist Justin Bieber came into the music scene to give us an overdose of “baby, baby, baby, oww!”,  ay nauna ng tatlong dekada si Rico Baby sa kanyang mga immortal songs addressing his love as “baby, baby, baby, yeah!”.  Di ba, Norma Japitana?

Sa limang Hitmakers, mukhang si Rico ang magtatagal pa sa showbiz.  He is the most popular (or “notorious” for his green jokes na kinakagat naman ng mga tagahanga niya, hehehe!) at pinaka-in demand as a solo artist.  No offense meant sa apat pang kasamhan niya.

Ano na nga kaya ang nangyari sa “tampuhan” nina Coriks at Hajji Alejandro?  Bati na kaya sila?

Sana naman ay mag-concentrate na lang si Coriks (palayaw kay Rico na hango sa binaligtad na   dalawang syllables ng pangalan niya na ginawang hip kaya may “s” sa dulo) sa singing at hosting at kalimutan niya na ang pulitika dahil mas gusto siya ng tao as a singer/performer kaysa as a public servant!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: