Liezl, Gladys, Leah and Cathy: New MTRCB members!

BY: DENNIS ADOBAS

Gladys Reyes

Gladys Reyes

May apat na mga bagong members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na matatawag na “laking showbiz”.  They are Liezl S. Martinez, Gladys Reyes, Leah Navarro and Cathy Babao-Guballa.

Liezl doesn’t need a detailed introduction to our readers na 40 years of age or older.  Batang showbiz siya talaga being the only daughter of movie queen Amalia Fuentes and estranged actor-husband Romeo Vasquez (surnamed Sumilang in real life, thus the “S” as Liezl’s middle initial) and being the wife of actor-filmmaker Albert Martinez.  She was also a child actress and this fact all the more makes her a showbiz insider.

Dating MTRCB reviewer din si Amalia Fuentes na nag-resign nang ma-approve ang appointment ni Liezl kasi may prohibition sa dalawang mag-anak na parehong nasa Board.

Si Gladys naman ay artista na mula pagkabata.  Kilala siya bilang kontrabida ni Judy Ann Santos sa “Mara Clara” (the original version).  Asawa niya ang aktor na si Christopher Roxas whose surname, Sommereux, ay siya niyang ginagamit sa Board.

Dating sikat na singer si Leah Navarro whose hit songs include “Kailangan Kita”, “Ligaw Tingin”.  Nawala siya sa eksena noong nagpunta siya sa Amerika at nagtrabaho sa mga Hollywood productions as talent caster.  When she resurfaced, naging aktibista siya at sumama sa mga protest rally at demo!

Isang napakahusay na writer/author si Cathy Babao-Guballa who writes feature articles and a regular column sa Lifestyle section ng Philippine Daily Inquirer.  May foundation siya which takes care of cancer-stricken kids na pinangalanan niyang Migui’s Corner in memory of her own son who died of a rare case of cancer at a very young age.

Bakit batang showbiz si Cathy?  Siya ay anak lang naman ng multi-awarded veteran actress na si Caridad Sanchez!  Pinsan niya ang sikat na TV newscaster na si Julius Babao.

*****

Tuwang-tuwa raw ang MTRCB Chairperson na si Grace Poe-Llamanzares sa bagong composition ng Board.

Narito ang kumpletong listahan ng bagong MTRCB members:  Robert Andrews, Ma. Lourdes Bautista, Jaime Alan Bengzon, Manuel A. Buising, Patrocinia Datu Binungcal, Gabriela Roldan-Concepcion, Maria Ines A. Dayrit, Catherine Babao-Guballa, Carmencita Guerrero, Liezl S. Martinez, Maria Carmen Syquia-Musngi, Leah Lopez-Navarro, Cecil Lanuza-Nubla, Jay C. Revister, Jose E. Romero IV, Milo M. Sogueco, Gladys Reyes-Sommereux, Benedicto H. Tarnate, Sr., Jose Antonio Veloso, Eugenio H. Villareal, Alfred A. Yuson, Nicasio Cruz, Noel R. del Prado, Mario A. Hernando, Marra Pl. Lanot, Eric Henry Joseph F. Mallonga, Teresita Villarama, Teresita Daza, and Francis Conrado.

*****

“Wowowee Part 3” kung tawagin ng sikat na blogger na si The Professional Heckler ang malapit nang mapapanood na ABS-CBN noontime variety show na “Happy, Yipee, Yehey!”.  Ito raw kasi ang pumalit sa “Pilipinas Win Na Win” na siya namang ipinalit sa original na “Wowowee” ni Willie Revillame.

Anyway, bukod sa apat na hosts ng “Happy, Yipee, Yehey” na sina Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, balita namin ay pasok na rin sina Sam Milby, Matteo Guidicelli, Melai Cantiveros (na umano’y pamalit kay Pokwang) at Jason Fernandez.

Yehey!

*****

May magandang balita para sa mga mahihilig sa pelikulang action-suspense na may rekadong sex and violence.  Palabas pa rin hanggang ngayon ang “RINDIDO” sa Remar Theater, Aurora Blvd, Cubao, Quezon City.

“RINDIDO” is the story of an Overseas Filipino Worker (OFW) na inabot ng sunod-sunod na malas:  nawalan siya ng trabaho sa Saudi kaya napaaga ang uwi sa Pilipinas, nanakawan ng gamit sa airport, naiputan sa ulo ng kanyang kalaguyo, napatay ng mga pulis pagkatapos niyang patayin ang lalaki ng kalaguyo niya at sakalin ang babae niya.  All happening in one day!

Nasa cast ng “RINDIDO” sina Chanel Latorre, Banjo Romero, Vic Tiro at Noriel Jarito na siya ring writer, direktor, cinematographer, film editor, clapper at prodyuser.

2 Responses to “Liezl, Gladys, Leah and Cathy: New MTRCB members!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: