Ernie Garcia concert, successful!

By: Dennis Adobas

Isang malaking tagumpay ang pre-Valentine concert ng singer-actor-visual artist na si Ernie Garcia!
Pinamagatang “Ernie Garcia…Loving You”, ito ay ginawa noong Sabado, February 12, sa grand ballroom ng Eastwood Richmonde Hotel sa Libis, Quezon City.

Puno ang venue ng mga guests who were mostly Ernie’s friends from way, way back, avid followers of his concerts and common friends of Ernie and concert producer Rey Carpio (Grand Monaco Estate Developers, Inc. president).  Sighted immensely enjoying the show were actress-turned TV host (“Up Close and Personal with Marissa del Mar” on Channel 13 every Wednesday evening) Ms. Marissa del Mar,  CREBA officer Ms. Rose Basa, singer-businessman Bobby Valle, WCOPA singing champ Kean Andessa, Atty. Nestor Belardo (the cultural attache of Syria).

Ernie started his show with a Queen number aptly titled “Crazy Thing Called Love” which he performed with pelvic twists and kicks.  Then he went on to interpret two love songs: the first one in Japanese (the original of Renz Verano’s “Remember Me”) and the second one in Chinese.

Ernie’s own take of Santana’s “Smooth” was spiced with dancing with two of his closest pals, Ms. del Mar and Ms. Basa.

Pagkatapos noon ay sumunod ang makabagbag-damdaming interpretation niya ng Jack Jones love song na “If You Go Away”.  Maraming female guests ang nakita naming kinilig at nagsu-swoon sa perfect vibrato ng boses ni Ernie!  Talagang may asim pa rin si Pareng Ernie!

Um-exit si Ernie para sa kanyang costume change.  Pasok naman si Mark Anthony Carpio who did the upbeat “Sunday Morning” na sinundan naman ng falsetto Southborder song na “Love Of My Life”.  Aba, may ibubuga nga ang batang ito at pinalakpakan siya ng mga manonood! Ang hindi alam ng karamihan ay vocalist si Mark ng MIDJ Band!

Pasok uli si Ernie with a Japanese love song.  Then, bumanat siya ng “Unchained Melody” at pina-jam sina Bobby Valle at Kean Andessa.  Galing!  Isang makabagbag-damdamin uling “All By Myself” na sinundan ng “Volare”.

Tinawag ni Ernie ang kanyang prodyuser na madalas niyang nakaka-sing-along sa mga Rotary Club functions, si Mr. Rey Carpio na mga Manila Sounds ang kinanta:  “Sumayaw, Sumunod” at “Awitin Mo, Isasayaw Ko”.  Galing din, muntik-muntikanan nang ma-upstage si Ernie!

Pagbalik uli ni Ernie ay naka-Chinese inspired rust-colored barong with matching sarong siya.  Signal ‘yon na OPM suite na ng show.  Kinanta niya ang Metro Pop award-winning song ni Leah Navarro na “Isang Mundo, Isang Awit” na sinundan ng Michael V. song with funny lyrics, “Sinaktan Mo ang Puso Ko”.  Pinaka-applauded ang popular na kanta ni Wency Cornejo, ang “Hanggang”.

International na uli ang repertoire ni Ernie with “Uno, Dos, Tres” ni Ricky Martin with matching sexy movements na ikinakilig na naman ng mga girls!  Sinundan ito ng “You Made Me So Very Happy”.  Senti time uli sa theme song from the Broadway musical “Chorus Line”, ang “What I Did For Love”.

Finale number ang “Bailamos” na hudyat ng ballroom dancing.  The dance instructors (DI) took over the dance area with their partners.  Suguran naman sa dressing room ang mga Ernie Garcia fanatics para magpa-picture at autograph.  Minsan pang pinatunayan ni Ernie that he still has what it takes to become a magnetic personality!

It was a splendid performance by someone who is more known as an actor and not as a singer. We asked Ernie where he got the energy that night.  Sagot niya:  “Kahit ako nagtataka kung paano ko nagawa ‘yon.  Medyo paos ako kanina dahil sa stress at rehearsal pero paglabas ko parang bumalik ang boses ko!  It could be because of Buddhist chanting!”

Of course, part of the artistic credit should go to the director Josel Reyes and musical director Bong Nanafranca, leader of the accompanying band, Without Warning.  Congratulations to all involved in the production!

*****

Ibinabalik ng Dulaang UP ang “Amphitryon” ni Heinrich von Kleist na isinalin sa Tagalog ni Jerry Respeto at sa direksyon ni Jose Estrella, sa February 16 hanggang March 6, sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater, 2/F, Palma Hall, UP Diliman, Quezon City.

Ang “Amphitryon” ay isang kakaibang love triangle.  Perfect for the month of hearts!

Tampok sina Lex Amores (sa papel ni Jupiter, ang mangingibig ni Alcmene), Wenah Nagales at Diana Malahay (magka-alternate bilang Alcmene), George de Jesus, Paolo O’Hara, Lucky de Mesa at Natasha Cabrera.

Set designer si Lex Marcos, lights designer si John Batalla, costume designer si Raven Ong at sounds designer si TJ Ramos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: