Sylvia Sanchez: Ideal wife, proud mother!

By: Dennis Adobas

May bagong pinagkakaabalahan ngayon ang mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez:  food business.  Siya at ang asawa niyang si Art Atayde ang nagmamay-ari ng TJ’s Restaurant na nasa Greenhills, San Juan City.

Ayon kay Sylvia, “TJ” stands for “Tita Jo” na tawag sa kanya ng mga pamangkin at mga anak ng  close friends niya.  Ang tunay niyang pangalan kasi ay Josette Campo Atayde.

Specialty ng restaurant ang bagnet, the Ilocano version of lechon kawali.  Ito ang pinakadahilan kung bakit dinudumog ng kanilang mga parokyano ang lugar.

Graduate si Sylvia ng Culinary Arts sa Academy of International Culinary Arts (AICA).  Isang taon niyang binuno ang special course na ito.  Sa TJ’s Restaurant niya ginagamit ang mga natutunan niya sa pagluluto kapag wala siyang taping o shooting.  Otherwise, may chef siyang gumagawa ng recipe niya with thorough instructions bago siya umalis.

“Mas mabuti na ‘yong may fallback tayo kapag dumalang ang offers”, sabi ni Sylvia.  “At least dito, sarili ko ang boss ko!”.

Ayaw ni Sylvia na matulad sa ibang artista na nagse-self-pity kapag walang assignment.

Dalawang drama series sa GMA-7 ang kanyang ginagawa ngayon, ang “Koreana” at ang “Tween Hearts”.  Hindi naman daw siya exclusive sa Kapuso network, open pa rin siya sa ABS-CBN kung may offer, lalo na’t sa ABS-CBN nagtatrabaho ang business manager niyang si Tita A (Annge or Cornelia Lee) as talent coordinator.

“Parang nanay ko na si Tita A, kulang na lang sa sinapupunan niya ako galing!”, pagdedeklara ni  Sylvia ng loyalty niya sa manager niya.

*****

Malapit na ring mag-artista ang anak na lalaki ni Sylvia Sanchez na si Arjo.

“Kinukuha siya ni Mr. M (Johnny Manahan) as talent of Star Magic”, proud na proud na balita ni Sylvia sa amin.

Arjo is 20 years old, a six-footer, graduate ng La Salle-Greenhills at member ng school dance group na Air Force Club.  Base sa image na ipinakita ni Sylvia sa mobile phone, para siyang si Aga Muhlach noong nag-uumpisa pa lang ito.

Pinagwo-work out ni Mr. M si Arjo sa gym at gusto nitong makuha ang 4-pack abs.  May balak yatang isabak ang binata sa mga action roles!

Ang iba pang mga anak nina Sylvia at Art ay sina Pia, Ria, Gela at Xavi.

*****

Dinumog ang screening ng “Mr. & Ms. Hot Summer Body 2011” last Wednesday sa Omerta Spa, 2nd floor of Creekside Square, 74 Tomas Morato, Quezon City.

Because of the huge turnout of candidates, the screening was extended until 8pm.

According to organizer Absy Dacer, another screening will be held next week.

One of the screeners was Canada-based actor-producer Blue de Leon Bugayong who’s currently doing an indie full-length feature entitled “Will of the Hearts” under his own production outfit, Colour Vision
Entertainment with Piperstorm Pictures.

“Will of the Hearts” stars Roxanne Barcelo, Fred Payawan, Archie Adamos, Rebecca Padilla, Edgar Sadalo, Jenn Umali, Mon Confiado and Blue de Leon Bugayong.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: