Baron, mas bagay as Hubert Webb!

BY: DENNIS ADOBAS

Baron Geisler

Baron Geisler

Seryoso kaya ang mega-couple na sina Carlo J. Caparas at Donna Villa sa balak nilang isapelikula ang buhay ni Hubert Webb?  Totoo kayang si Gerald Anderson ang nasa isip nilang gumanap sa papel ni Hubert?

Kung kami ang tatanungin, mas bagay na Hubert Webb si Baron Geisler.  Bakit?  Proven na bilang mahusay na dramatic actor si Baron.  Built-in ang angas niya at hindi na kailangang i-motivate.  Sa physical aspects, masyadong tisoy si Gerald unlike Baron na tempered ang pagka-German mestizo niya na tulad ni Hubert.

Nasa rehab ngayon si Baron to cure his alcohol addiction at dalawang buwan pa ang hihintayin para makapag-umpisang mag-shoot na tamang-tama lang kasi halos ganundin katagal ang pre-production phase ng project.

Kung si Gerald ang kukunin bilang Hubert, dadaan pa sila sa Star Magic  na may reputation as mahirap kausap.

Direk Carlo, Ms. Donna, si Baron na!

*****

“ZsaZsa Zaturnnah…Ze Musikal…Vack With A Vengeance” opened to a full house last Saturday.
To think na marami itong kasabay na palabas!

Maraming latecomers na na-traffic ang hindi nakapasok.  Alam mo naman ang CCP, mahigpit talaga sa oras!

As usual, pinalakpakan nang husto ang performances nina Eula Valdes, Rocky Salumbides, Gabe Mercado, Tuxs Rutaquio, Pinky Amador at pati na ang ensemble actors ng Tanghalang Pilipino.

Medyo na-turn off ang ibang manonood sa tahasang paggamit sa mga personal na isyu nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta para lamang makapagpatawa ng audience.  It was in bad taste, kahit na sabihin pang artistic freedom lang naman ‘yon!  Ganyan ka na ba, Chris Martinez?
Was that intended para magkaroon ng ingay ang rerun ng “Zaturnnah”? Why did Chris Millado allow it?  How utterly disgusting!

Anyway, hanggang March 13 pa ang palabas.  Tawag sa 8323661/8321125 local 1620 at 1621 para sa mga tiket.  That is, kung may mabibili pa kayo.  Ang alam kasi namin ay sold out na lahat ng tiket for all dates!

*****

Isa pang must-see stage event ay ang “Amphitryon”, Dulaang UP’s fourth production in celebration of its 35th anniversary celebration.  Sinulat ni Heinrick von Kleist at isinalin sa Tagalog ni Jerry Respeto at pinamamahalaan ni Jose Estrella, ito ay palabas pa rin sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater, 2nd floor, Palma Hall, UP-Diliman, Quezon City.

“Amphitryon” stars Neil Ryan Sese, Lex Marcos, Diana Malahay, Wenah Nagales, George de Jesus, Paolo O’Hara, Lucky de Mesa and Natasha Cabrera.

Hanggang March 6, 2011 ang palabas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: