ER Ejercito, gaganap na Emilio Aguinaldo!

BY: DENNIS ADOBAS
LAGUNA GOV. ER EJERCITO

LAGUNA GOV. ER EJERCITO

Sadyang napakalakas humigop ng magneto ng showbiz!  Kahit na matagumpay na sa larangan ng pulitika ang mahusay na aktor na si Jorge “E.R.” Ejercito Estregan as the incumbent Laguna Governor Emilio Ramon Ejercito, hindi niya pa rin makakalimutan ang kanyang pinagmulan:  ang pagiging artista!  Sabi nga ng isang cliche, “once an actor, always an actor!”. 

Kunsabagay, hindi naman pwedeng ipagkaila na galing sa angkan ng showbiz si ER.  Artista ang ama niyang si George Estregan, tiyuhin niyang si Joseph “Erap” Estrada at pinsan niyang si Jinggoy Estrada.  Dating film producer naman ang isa niya pang tiyuhin na si Jesse Ejercito!

Ipinahayag kamakailan lamang ni ER ang kanyang matayog na film project, ang biofilm ng first president ng Philippine Republic, si Emilio Aguinaldo na pinamamagatang “El Presidente”.  Ito ay pamamahalaan ng award-winning and prestigious filmmaker na si Tikoy Aguiluz.

Matagal na itong balak ni ER.  We still remember him telling us in previous interviews about this plan.  Katunayan nga’y may naka-frame nang tentative poster ng pelikula na nakasabit sa opisina niya sa Pagsanjan, Laguna noong siya pa ang mayor doon (ang misis niyang si Maita Sanchez-Ejercito na ang bagong mayor ng Pagsanjan).  Naka-flat top ang gupit ni ER sa poster na ‘yon na ginaya sa haircut ni Aguinaldo.

Maituturing na very ambitious ang Aguinaldo film project ni ER for two reasons:  1) a whooping 100-million pesos daw ang production budget nito, which is mega-high for an indie film!; and 2) the actress they have in mind to portray Aguinaldo’s second wife is no less than Batangas Governor Vilma Santos!

Sabi ni Aguiluz, maraming pagkukunan ng resources, support and funding ang “El Presidente”.  Nag-pledge na ang mga sumusunod:  Former Prime Minister (during Marcos era) na si Cesar Virata (grand nephew of Aguinaldo); direct living descendants of Aguinaldo; National Historical Institute (NHI); National Commission for Culture and the Arts (NCCA); Film Development Council of the Philippines (FDCP); Film Academy of the Philippines (FAP); Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT); SM Cinema; Robinsons Cinema; at Ayala Theaters.

Todate, ang pelikulang lokal na may pinakamataas na production cost ay ang “EMIR” ni Chito Rono na giumano’y 70-million pesos ang inabot.  Hindi ito kumita sa takilya dahil sa napabayaan sa publicity and promotion.

Ayon kay Aguiluz, may isang Pinoy-French film co-production na tapos na ang principal photography at diumano’y 100-million pesos din ang cost, ang “Prey” ni Brillante Mendoza.

Regarding Vilma Santos as ER’s leading lady, wala pa itong kumpirmasyon galing kay Santos as it would largely depend on her availability.

Bukod sa “El Presidente” ay may isa pang malaking pelikulang balak gawin ni ER Ejercito.  Ito’y ang pang-apat na remake ng “Asiong Salonga” na unang pinagbidahan ni Joseph Estrada. Wala pang detalye (final casting, budget, etc.) tungkol dito.  Ang tiyak pa lang sa ngayon ay si ER ang bida at si Tikoy Aguiluz ang direktor.

*****

May nakilala kaming singer-composer-musician na una naming napanood na nagpakitang-gilas ng kanyang musical talent sa isang NCCT-DepED Dialogue with Media Practitioners.  He is Njel de Mesa na isa rin palang Palanca Literary Contest winner.

Katatapos lang mag-perform ni Njel de Mesa last Tuesday evening sa Conspiracy Bar sa Visayas Ave., Quezon City, na pagmamay-ari ni Pete Lacaba at ng mga kaibigan niya.

Catch Njel de Mesa tonight, February 24, sa World Trade Center, at sa Sabado, February 26 sa SM-Marikina.

*****

Nabanggit din lang ang NCCT (National Council for Children’s Television), babanggitin na rin namin ang Executive Director nitong si Frank G. Rivera na isa ring perennial Palanca awardee, professor, award-winning author, poet, film scriptwriter, filmmaker, production designer and founding director of Marawi State University’s Sining Kambayoka.

Si Frank ay mahilig magpadala sa amin ng mga “berso sa text” kapag may okasyon.  Narito ang latest na ipinadala niya sa amin:  “May indayog ang salita / Tumatamis pa sa dila /Lumalalim pa sa akala //  Salita’y mababaw lamang / Kung damdami’y tinatakpan / Salat sa katotohanan / Gamitin man sa tulaan.// Dilang nagsisinungaling / Paglaya’y ibinibitin / Hindi sukat akalain / Inaagas ang damdamin.// Palayain ang diwa mo / Ngayong buwan ng Pebrero / Palundagin ang kuneho / Para Sining ay lumukso.// HAPPY INTERNATIONAL ARTS MONTH!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: