ER Ejercito on alleged whooping P100-M “El Presidente” budget: “Kulang pa nga ‘yan, e!”

BY: DENNIS ADOBAS

Marami ang nagulat (na may kasamang pagtataas ng kilay) sa announcement ng aktor at Laguna Governor na si Jeorge E.R. Ejercito Estregan na ang production cost ng pet film project niyang Emilio Aguinaldo (the first president of the Philippine Republic) biopic na pinamamagatang “El Presidente” ay aabot ng P100-million.  Sobrang taas daw kasi at hindi na pang-“indie film” na matatawag!

Kino-correct ni ER ang mga maling impresyon.  Ang P100-million daw na sinabi niya ay para sa dalawang pelikulang parehong period movie:  “El Presidente” at “Asiong Salonga”.

Ipinasalang muna ni Governor Ejercito ang DVD ng film teaser sa wide-screen TV set ng Governor’s Office sa Laguna Provincial Capitol sa Sta. Cruz, Laguna, bago siya nagsalita.  Teaser pa lang ay very impressive na kaagad ang napanood namin.  Mukhang expensive talaga ang kabuuan ng pelikula!

“Actually, kulang pa nga ‘yan, e!”, reaksyon ni ER.  “Period movie ito, alam naman nating magastos talaga ang period o historical movie in terms of production design.  Plus the fact na ang kukunin kong leading lady dito sa Aguinaldo biopic ay no less than Batangasgovernor Vilma Santos-Recto!  Idagdag pa dito ang iba pang big-name stars na ika-cast namin ni Direk Tikoy (Aguiluz) sa mga vital roles ng pelikula.”

Todate, the only highly-budgeted local film na alam namin ay ang “EMIR” na ginawa ni Chito Rono at produced ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) using the funds from the President’s (Gloria Macapagal Arroyo) Social Fund na nagkahalaga ng P70-million.

“Mas mataas pa diyan ang ‘Jose Rizal’ ni Marilou Diaz-Abaya na umabot ng P80-million”, sabi ng-actor-public servant.

Malaki na rin daw ang nagastos ni ER sa research work ng “El Presidente” bago nila inumpisahan ang script some ten years ago.  Kasama niya sa research at scriptwriting sina Jose Victor Torres (ng National Historical Institute at Intramuros Administration) at Jose Mari Avellana (mahusay na stage-film-TV actor-writer na anak ng National Artist for Film na si Lamberto Avellana).  Just recently ay isinama na nila sa scriptwriting team ang award-winning writer na si Roy Iglesias.

On Vilma Santos as leading lady, sabi ni ER na bagay kay Ate Vi ang role bilang Maria Agoncillo (the second wife of Aguinaldo). “Hindi malayo sa edad niya kasi 50 years old more or less si Agoncillo!”

Kinumpirma ni Gob ER na tutulong sa pagkuha ng funding for “El Presidente” sina dating Prime Minister Cesar Virata (na pamangkin sa tuhod ni Aguinaldo) at ilan sa mga living direct descendants ni Aguinaldo.  Nag-pledge na rin daw ng support of any kind ang mga government agencies like National Historical Institute (NHI), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Film Development Council of the Philippines (FDCP), Film Academy of the Philippines (FAP), Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT).  At dahil wholesome at pang-General Patronage ang pelikula, tiyak nang maipalalabas ito sa mga sinehang pagmamay-ari ng SM, Robinsons at Ayala Theaters.

Makakakuha din tiyak ang “El Presidente” ng endorsement from the Department of Education para panoorin ito ng mga estudyante, lalo na ang mga kumukuha ng subjects on Philippine History.

Tinatantiyang isang Filipino historical movie of epic proportions ang “El Presidente” na magiging kasinlaki ng “GANDHI”, “BRAVEHEART”, “TROY”, at “THE LAST SAMURAI”.

*****

Samantala, ang pelikulang “Asiong Salonga” ay isa sa mga early movies na pinagbidahan ng dating Presidente ng Pilipinas na si Joseph “Erap” Ejercito Estrada (uncle ni Governor ER, being the brother of his father).  Ginawa ito noong 1961.  Nagkaroon ito ng remake noong 1978 with Rudy Fernandez as title-roler.

After 32 years ay magkakaroon ng isa pang remake ang “Asiong Salonga” at bibigyang-buhay ni ER ang hoodlum na tinaguriang Robinhood ng Tondo noong 1950.

Si Tikoy Aguiluz pa rin ang mamamahala ng “Asiong Salonga”.  Wala pang casting ang pelikula pero tiyak nang mga popular and big-name stars pa rin ang kasali dito.

Heto ang character sketch ni “Asiong Salonga”.  “He robbed the rich to give to the poor.  He lived and died by the gun.  He lived fast and died young.  He was the youngest and toughest criminal  considered as Number One Public Enemy!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: