Archive for Felix Roco

Ang Nawawala (What Isn’t There)

Posted in Actor, Actress, Best Actor, CCP, Cinemalaya, Pinoy Fimmaker, Pinoy Movie, Showbiz News with tags , , , , , , , , , , , , , , on July 11, 2012 by Eduard Orgel

Ang Nawawala (What Isn't There)

Gibson Bonifacio stopped speaking as a child. He is now twenty years old, returning to Manila from his studies abroad, his first visit home in three years. He finds his family trying to keep it together, his mother still hurting from a tragic loss in the past. In the backdrop of the vibrant local music scene, his childhood best friend reaches out to him, and he finds a chance at his first real romantic relationship. Amidst the holidays, Gibson reconsiders and redefines his relationships with his family, his friends, and with himself.


Awards Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2012 Finalist (New Breed Full-Feature Category)

Starring Dominic Roco, Felix Roco, Annicka Dolonius, Alchris Galura, Mercedes Cabral, Kelvin Yu, Jenny Jamora, Marc Abaya, Sabrina Man with Mr. Boboy Garrovillo and Ms. Dawn Zulueta

Directed By Marie Jamora

Written By Marie Jamora & Ramon De Veyra

Screenplay By Marie Jamora & Ramon De Veyra

Produced By Marie Jamora, Bernard Dacanay, Trinka Lat, Daphne O. Chiu & John Sy
Advertisements

Felix Roco, nagrerebelde sa amang si Bembol Roco?!

Posted in Actor, Cinemalaya with tags , , , , , , , on May 23, 2010 by Eduard Orgel

Felix Roco

Felix Roco

KARAPATAN NI FELIX Roco sakali mang itanggi niya ang chikang nagkatensiyon sa shooting ng indie film niyang Pendong, isang road trip movie nila nina Alwyn Uytingco at Will Devaughn, directed by Sean Lim. Pinabulaanan ng young actor na may namumuong alitan sa kanila ng dad niyang si Bembol Roco.

Unang kumalat kasi ang sitsit na hindi pala in good terms sina Felix at Bembol, at sa nasabing set nga nadiskubre ng staff ang tampuhan ng mag-ama. Sa presscon ng Rosalka, kung saan leading man si Felix ng inilulunsad ng Kapamilya network to full stardom na si Empress, dito binomba ng press si Felix sa isyung awayan nila ng amang si Bembol.

Halatang nagulat si Felix sa mga tanong ng press. Magkaganoon man, inamin nitong ilang taon na palang hiwalay ang ama niya sa ina nito. Eh, bakit ngayon lang ito na-leak sa media?

“Wala naman pong nagtatanong siguro noon,” say ni Felix, na umaming naging masama ang loob sa ama noong naghiwalay sila ng ina nito, pero ang mahalaga raw ay okey na sila ngayon.

Hindi rin umano sure si Felix kung nag-asawa na ng iba ang amang si Bembol. Ang mahalaga raw, lately ay nag-uusap na raw sila, at ‘yun ang mahalaga. Itinanggi rin nitong nagrerebelde siya sa pangyayaring ito sa buhay niya kaya siya nagyoyosi na at nagpa-tattoo, na ayaw na ayaw ni Bembol.

Mukhang malayo pa ang itatakbo ng isyung ito, magge-guest pa si Felix sa ABS-CBN talk shows to promote Rosalka, kaya sana ay maging consistent siya sa kanyang mga pahayag.

Leading man din ni Empress si Matt Evans sa newest teleserye ng Dos, kung saan kasama rin sa cast sina Dominic Ochoa (from pari sa May Bukas Pa ay rapist na dito), ang veteran actress na si Mila del Sol, Bernard Palanca, Justin Cuyugan, etc.

Jennica Garcia, inlab-inlaban kay Alwyn Uytingco!

Posted in Actor, Actress, Showbiz News with tags , , , , , on April 29, 2010 by Eduard Orgel
Jennica Garcia

Jennica Garcia

NAISULAT na namin dito noon na ang bagong special someone ni Jennica Garcia ay ang Kapamilya star na si Alwyn Uytingco.
Although both are quiet about their relationship or posible rin naman, wala pa kasing pagkakataon na nakausap sila ng press kaya wala pang reaction na nanggagaling sa kanilang dalawa.

Pero naging kapansin-pansin sa amin na pagkatapos maisulat sa Abante na mas napatunayan nga na­ming silang dalawa na dahil sa mga hindi maikakailang sobrang sweetness nila sa mga pictures nila nang magpunta ng Baler at ang tawagan pa nila sa isa’t isa ay “Mahal,” biglang off-limit na ang mga photos ni Alwyn sa kanyang Facebook account at hindi na basta-basta mabu-view.

Anyway, may follow-up report kaming nasagap tungkol sa dalawa. Kasalukuyang nagsu-shoot si Alwyn ng kanyang indie film na Pendong kasama sina Felix Roco at Will Devaughn. Isa sa location ng movie ay sa Nueva Ecija since may pagka-road trip rin ang tema ng comedy movie na ito.

Kuwento ng aming source, nagulat daw talaga ang ilan sa staff ng pelikulang Pendong dahil all the way from Makati na kung saan ay nanggaling si Jennica for a photo shoot, dumiretso raw ito sa Nueva Ecija para dalawin at siyempre pa, makasama si Alwyn na at that time nga ay kasalukuyang nagsu-shooting.

Walang-duda na inlab-inlaban daw talaga ang dalawa ngayon, lalo na siguro on Jen’s part na kiber na magbiyahe ng ilang oras makita at makasama lang si Alwyn, huh!

Hindi rin daw maikakaila ang sobrang ka-sweet-an ng dalawa sa mga taong nasa shooting ng movie.

Oo nga pala, Jennica is not part of the movie Pendong, ha!

Sina Alwyn at Jennica ay parehong mina-manage ni direk Manny Valera. But knowing Direk Manny, hindi ito ang type ng manager na nangengealam sa lovelife ng kanyang mga alaga.

Parehong single naman ang dalawa, pero dahil mga “bagets” pa, wish lang namin na maba-balance lang nila ang kani-kanilang trabaho at lovelife. Bongga pa ang nakikita naming future ni Jennica in-terms of her career, while Alwyn naman, hindi lang masyadong nabibigyan ng mga bonggang opportunities, pero, isa rin siya sa masasabing mahusay na young actor ngayon.

Nakakangiti na ang naulilang anak na si Snooky Serna

Posted in Actress with tags , , , , , , , , on January 20, 2010 by Eduard Orgel

KUNG noong isang linggo lang ay hindi makausap si Snooky Sernan nang dahil sa kamatayan ng kanyang inang si Mila Ocampo, ngayon ay nakakangit na ang aktres.

Namatay si Mila noong ika-6 ng Enero, 2010 nang dahil sa emphysema sa kanilang tahanan sa The Fort at ang lahat ay nagluksa lalo na ang mga kaibigan ni Snooky gayundin ang kanyang mga kasamahan sa trabaho at lalo’t higit ay ang kanyang mga kaanak.

“I have to face the world,” pahayag ni Kookie sa premiere night ng kanyang pelikulang “Sagrada Familia” sa SM Megamall kamakalawa.

At ang dati-rating sinasabihan na pagong sa pag-usad ay malayo na ang nararating sa kanyang buhay at ngayon ay simbilis na siya ng maya sa paglipad.

***

Sinabi ni Kookie na nang sumakabilang-buhay si Mila ay parang pinagsakluban siya ng langit at lupa.

“There was a time na parang matutumba na lang ako,” wika ng premyadong aktres.

Talagang sa pagkadinig pa lang ng pangalan ng kanyang ina ay huhulagpos na lang sa iyak ang aktres.

Pati nga ang premiere showing ay parang nagmistulang tubigan nang umiyak nang walang hikbi ang aktres sa pagsasalaysay sa mga peryodistang pampelikula ng kanyang trahedya sa buhay.

Nang batiin siya ng peryodistang pampelikula na si Dennis Adobas ay gayon na lang ang sikdo at tangis ng aktres. Marami ring pinagsamahan sina Dennis at Kookie kaya naman hindi kataka-takang maging madamdamin ang kanilang pagtatagpo.

Hindi nga nakadalaw sa burol ni Mila si Adobas pero taglay naman niya ang panalangin n asana ay maluwalhating marating ng namatay ang kaharian ng Panginoong Diyos.

                                                          ***

Nang kausap din ng mag-asawang peryodistang pampelikula na sina Benjie Felipe at Liza Endaya si Snooky ay gumaralgal din ang boses ng aktres at kahit na naka-shades siya ay mararamdaman ang pintig na malungkot ng kanyang puso.

“Lagi ko na lang iniiyakan ang kamatayan ng Mommy ko,” sabi ni Kookie na malapit na malapit kay Ocampo.

“But life has to go on,” sabi ng bituin kaya naman siya mismo ang nagtawag sa mga movie reporter na manood ng kanyang pelikula na kasama sina Lovi Poe, Emilio Garcia, Robert Arevalo, Jim Pebangco, Felix Roco, Gloria Diaz at marami pang iba.

Lahat ay pumuri kay Kookie sa magandang pagganap nito sa isang asawang nars na nagtungo sa Italy at pagbalik niya ay matuklasang nabuntisan ng kanyang mister ang kanilang anak.

***

Bale ang pelikulang ito ang nagpaalsa sa malungkot na diwa ni Snooky sa mga panahong ito.

Ito ay dahil sa kanyang katangi-tanging pag-arte sa kanyang papel at lahat ay nagpasalubong sa kanya ng masigabong palakpakan.

Ilan lang sa mga aktres natin ang makakagawa ng ginagawang paglikha ni Kookie sa kanyang mga papel na ginagampanan?

Mabibilang lang sa mga daliri sa ating mga kamay.

Kaya nga kahit na malungkot ang kanyang Bagong Taon, maligaya naman ang pagsalubong niya sa kanyang career ngayong Taon ng Tigre.

At ang kanyang love life ay makulay lalo na at suportado siya ng kanyang mahal sa buhay na si June de Vera.

Walang tulog, walang kain si Snooky Serna sa kamatayan ng kanyang inang si Mila Ocampo

Hanggang sa kahuli-hulinang sandali ay nagbantay si Snooky Serna sa kanyang mahal na inang si Mila Ocampo hanggang sa bawian ito ng hininga noong Miyerkules ng umaga.

Tatlong araw bago pumanaw si Mila, si Snooky ang tanging nagbabantay sa dating Miss Press Photography of the Philippines.

Ayon sa mga kaanak ni Serna, hindi na halos umuuwi si Kookie sa kanilang tahanan ng mahal niyang nagngangalang Jun kundi sa bahay na lang ni Ocampo sa The Fort.

Dito na sumakabilang-buhay si Tita Mila sa ganap na alas diyes y medya ng umaga.

Gayon na lang ang pighati ni Kookie dahil mahal na mahal niya ang kanyang ina.

Hindi nakipag-usap si Snooky kaninuman habang inihahanda ang mga labi ng ina.

Kinabukasan na lang siya nakipagtalimitam sa mga nakikiramay at nakikisimpatya sa kanya.

Hindi pa rin nakukumpleto ang pahinga ng aktres dahil siya ang panganay sa dalawang anak nina Mila at Von Serna.

Namatay si Tita Mila sa piling ng dalawa pa niyang anak na sina Anton Serna at Julied at mga apo na sina Samantha at Sachie Go, ang mga anak ni Kookie sa aktor na si Ricardo Cepeda.

Nandoon din ang matagal nang tagapag-alaga ni Kookie na si Tita Eden na kapatid ni Tita Mila.

Namatay si Ms. Ocampo nang dahil sa komplikasyon sa kanyang sakit na emphysema.

Nagsimula ang sakit na ito ng namayapa nang siya ay madulas sa banyo mga ilang taon na ang nakakaraan.

Bumagsak sa sahig si Mila at napuruhan ang kanyang likod.

Pagkatapos nito ay lagi nang masakit ang kanyang katawan.

Doon na siya naratay sa banig ng karamdaman at positibong emphysema ang kanyang sakit.

Ibinurol si Tita Mila sa Holy Trinity Memorial Chapels sa Sucat Road sa Parańaque City at kri-nimate noong Sabado.

Hubo’t hubad na si Lovi Poe, may love scene sa bold din na si Felix Roco

Posted in ABS-CBN, Actor, Actress, Best Actor, Best Actress, Cannes, CCP, Cinemalaya with tags , , , , , , , , on January 20, 2010 by Eduard Orgel

Lovi Poe "Sagrada Pamilya

Rebelasyon ang pag-arte ni Lovi Poe sa pelikulang “Sagrada Familia” ng Legalas Entertainment sa direksyon ni Joel Lamangan.

Hindi lang nagpakita ng husay si Lovi bilang aktres, nagpamalas din siya ng kanyang kaseksihan.

Yes, naghubad na si Poe sa pelikulang ito at ipinagbuyangyangan na niya ang kanyang murang katawan.

Mapangahas si Lovi dahil nakasentro sa kanya ang istorya ng pelikula bilang isang estudyanteng kapapagtapos lang sa mataas na paaralan pero tinakot at binuntis ng kanyang sariling ama.

Hindi kataka-takang graduhan ito ng A ng Cinema Evaluation Board.

***

Ang eksena ni Lovi ay kinunan sa isang motel kung saan niyaya niya ang kanyang boyfriend na si Felix Roco upang maaaring pagtakpan ng akto ang ipinagbubuntis ng dalaga imbes na mabuking na ang kanyang sariling ama ang ama ng bata sa kanyang sinapupunan.

Kapwa nag-alis ng tapalodo sina Poe at Felix.

Bonus para sa mga tagahanga ni Roco ang paghuhubad ng aktor dito dahil bukod sa magaling niyang pagbibigay-buhay sa kasintahan ni Lovi ay nagpakita pa rin siya ng kanyang buttocks.

Yes, hubo’t hubad ang kakanyahan at kamachuhan ng batang aktor.

Kitang-kita ang kanyang pige at ang pagkaka-tattoo sa kanyang malapad at kayumangging kaligatang balikat at likod.

Tiyak na magwawater-water sa kanya ang mga bading at mga chicks din.

***

Samantala, nakakabawi na si Snooky Serna sa pagkawala ng kanyang inang si Mila Ocampo kamakailan.

Kung noong nakaraang linggo ay panay ang tangis at hagulhol ni Snooky pagkatapos mai-cremate si Mila, nag-umpisa na siyang makipagsosyalan sa showbiz nang mag-premiere night ang pelikula nila nina Lovi at Felix.

Ayon kay Snooky, may sandaling matutumba siya nang dahil sa pighati ng trahedya sa pamilya.

Kahit nga sa bawat pagbati sa kanya ng pakikiramay ay bumibigay si Kookie.

Pero naniniwala siyang patuloy ang buhay at hindi dapat aksayahin kung ito ay para sa kapakanan ng marami.