Archive for Njel de Mesa

New X-Men Film: Age of Apocalypse set for 2016

Posted in X-Men with tags , , on December 19, 2013 by Eduard Orgel

XMen Days of Future Past, Game of Thrones Actor, Filipino comic… (Njel de Mesa)

Posted in Actor, Actress, Host, International Singer, Oscars Red Carpet, Reporters, Showbiz News with tags , , , , , , on December 18, 2013 by Eduard Orgel

ER Ejercito, gaganap na Emilio Aguinaldo!

Posted in Actor, Best Actor, CCP, dennis adobas, Entertainment, Pinoy Movie, Politicall Issue, Revolution, Showbiz News, Singer with tags , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , on February 23, 2011 by Eduard Orgel
BY: DENNIS ADOBAS
LAGUNA GOV. ER EJERCITO

LAGUNA GOV. ER EJERCITO

Sadyang napakalakas humigop ng magneto ng showbiz!  Kahit na matagumpay na sa larangan ng pulitika ang mahusay na aktor na si Jorge “E.R.” Ejercito Estregan as the incumbent Laguna Governor Emilio Ramon Ejercito, hindi niya pa rin makakalimutan ang kanyang pinagmulan:  ang pagiging artista!  Sabi nga ng isang cliche, “once an actor, always an actor!”. 

Kunsabagay, hindi naman pwedeng ipagkaila na galing sa angkan ng showbiz si ER.  Artista ang ama niyang si George Estregan, tiyuhin niyang si Joseph “Erap” Estrada at pinsan niyang si Jinggoy Estrada.  Dating film producer naman ang isa niya pang tiyuhin na si Jesse Ejercito!

Ipinahayag kamakailan lamang ni ER ang kanyang matayog na film project, ang biofilm ng first president ng Philippine Republic, si Emilio Aguinaldo na pinamamagatang “El Presidente”.  Ito ay pamamahalaan ng award-winning and prestigious filmmaker na si Tikoy Aguiluz.

Matagal na itong balak ni ER.  We still remember him telling us in previous interviews about this plan.  Katunayan nga’y may naka-frame nang tentative poster ng pelikula na nakasabit sa opisina niya sa Pagsanjan, Laguna noong siya pa ang mayor doon (ang misis niyang si Maita Sanchez-Ejercito na ang bagong mayor ng Pagsanjan).  Naka-flat top ang gupit ni ER sa poster na ‘yon na ginaya sa haircut ni Aguinaldo.

Maituturing na very ambitious ang Aguinaldo film project ni ER for two reasons:  1) a whooping 100-million pesos daw ang production budget nito, which is mega-high for an indie film!; and 2) the actress they have in mind to portray Aguinaldo’s second wife is no less than Batangas Governor Vilma Santos!

Sabi ni Aguiluz, maraming pagkukunan ng resources, support and funding ang “El Presidente”.  Nag-pledge na ang mga sumusunod:  Former Prime Minister (during Marcos era) na si Cesar Virata (grand nephew of Aguinaldo); direct living descendants of Aguinaldo; National Historical Institute (NHI); National Commission for Culture and the Arts (NCCA); Film Development Council of the Philippines (FDCP); Film Academy of the Philippines (FAP); Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT); SM Cinema; Robinsons Cinema; at Ayala Theaters.

Todate, ang pelikulang lokal na may pinakamataas na production cost ay ang “EMIR” ni Chito Rono na giumano’y 70-million pesos ang inabot.  Hindi ito kumita sa takilya dahil sa napabayaan sa publicity and promotion.

Ayon kay Aguiluz, may isang Pinoy-French film co-production na tapos na ang principal photography at diumano’y 100-million pesos din ang cost, ang “Prey” ni Brillante Mendoza.

Regarding Vilma Santos as ER’s leading lady, wala pa itong kumpirmasyon galing kay Santos as it would largely depend on her availability.

Bukod sa “El Presidente” ay may isa pang malaking pelikulang balak gawin ni ER Ejercito.  Ito’y ang pang-apat na remake ng “Asiong Salonga” na unang pinagbidahan ni Joseph Estrada. Wala pang detalye (final casting, budget, etc.) tungkol dito.  Ang tiyak pa lang sa ngayon ay si ER ang bida at si Tikoy Aguiluz ang direktor.

*****

May nakilala kaming singer-composer-musician na una naming napanood na nagpakitang-gilas ng kanyang musical talent sa isang NCCT-DepED Dialogue with Media Practitioners.  He is Njel de Mesa na isa rin palang Palanca Literary Contest winner.

Katatapos lang mag-perform ni Njel de Mesa last Tuesday evening sa Conspiracy Bar sa Visayas Ave., Quezon City, na pagmamay-ari ni Pete Lacaba at ng mga kaibigan niya.

Catch Njel de Mesa tonight, February 24, sa World Trade Center, at sa Sabado, February 26 sa SM-Marikina.

*****

Nabanggit din lang ang NCCT (National Council for Children’s Television), babanggitin na rin namin ang Executive Director nitong si Frank G. Rivera na isa ring perennial Palanca awardee, professor, award-winning author, poet, film scriptwriter, filmmaker, production designer and founding director of Marawi State University’s Sining Kambayoka.

Si Frank ay mahilig magpadala sa amin ng mga “berso sa text” kapag may okasyon.  Narito ang latest na ipinadala niya sa amin:  “May indayog ang salita / Tumatamis pa sa dila /Lumalalim pa sa akala //  Salita’y mababaw lamang / Kung damdami’y tinatakpan / Salat sa katotohanan / Gamitin man sa tulaan.// Dilang nagsisinungaling / Paglaya’y ibinibitin / Hindi sukat akalain / Inaagas ang damdamin.// Palayain ang diwa mo / Ngayong buwan ng Pebrero / Palundagin ang kuneho / Para Sining ay lumukso.// HAPPY INTERNATIONAL ARTS MONTH!

Guy and Boyet, mga orig sa beach wedding!

Posted in ABS-CBN, Actor, Actress, Celibrity Couple, Cinemalaya, Comedy King's, GMA network, Pinoy Movie, Showbiz News, Weddings with tags , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , on January 3, 2011 by Eduard Orgel

BY: DENNIS ADOBAS

 Guy and Boyet, mga orig sa beach wedding!

Maggie Wilson at Victor Consunji

Kung akala nina Maggie Wilson at Victor Consunji ay sila ang original sa unconventional beach wedding, excuse me, nagkamali sila!  Ang unang Pinoy couple na ikinasal sa beach ay ang superstar na si Nora Aunor at Christopher de Leon, a.k.a. Guy and Boyet!  Eat your hearts out, mga manggagaya, mga second-rate, trying-hard copycats!

Ikinasal sina Guy at Boyet sa isang beach sa Batangas some months after finishing the shoot of “Banaue”.  Adopted daughter na nila noon si Lotlot de Leon.  Soon after ay nagkaroon sila ng anak, si Ian de Leon.

Ang tanong ng mga miron:  Tulad nina Guy and Boyet, are Maggie and Victor also headed for splitsville?

Huwag namang ganyan!  Sobra na kayo, ha!  Pinangungunahan n’yo pa.  Ang init-init nga ng kanilang pre-nuptial hot video, e!

*****

 

May pahabol kami sa Lingkod TV awards.  We failed to mention na may mga deserving child-friendly public servants na ginawaran din ng kaukulang awards:  Senators Edgardo Angara and Vicente Sotto III, Congressman Salvador Escudero III, Congresswoman Thelma Almario, Aurora Governor Bellaflor Angara Castillo, Balanga City (Bataan) Mayor Joet Garcia, Lapuyan Mayor Daylinda Sulong.

On behalf of Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Ms. Jocelyn Montalbo of the provincial DSWD received her trophy, while Atty. Rey Regalado did it for Senator Angara.  Sahlee Quizon, former actress and daughter of Dolphy received the Comedy King’s award.

Ang mga performers naman ay ang Gawad Kalinga Tatalon Performing Arts Chorale, College of the Holy Spirit Chorale, Njel de Mesa, a group of Aeta schoolchildren from Bataan who sang Christmas songs and Filipino folk songs with very pure and unadulterated voices!  The Philippine National Anthem was a video collaboration between GMA-7 and SM Cinemas, while the Doxology was done by the Don Bosco Technical Institute of Balanga, Bataan.

*****

Bakit kaya hindi man lang napasama sa top three nominees for Metro Manila Filmfest Best Actress si Jennelyn Mercado for “Rosario”?

Sabi ni Butch Francisco, “Startalk” host, Philippine Star columnist and one of the jurors:  “The role of Rosario was coquettish and flirtatious which requires long preparation and a series of acting workshops.  Jennelyn failed to come up to this requirement.  She doesn’t even know how to hold a cigarette when her character was supposed to be very much ahead of her time, as in she smokes and smokes like it’s second nature to her character!”

Ah, okay!

At si Albert Martinez, bakit wala sa top three nominees for Best Director samantalang 2nd Best Picture ang “Rosario” at nanalo pa ito ng Gatpuno Antonio Villegas award?

Sabi ni Butch, baka nasa No. 4 ranking si Albert at kaya hindi na nabanggit dahil sa bagong ruling ng MMFF committe na tatlong nominees lang ang pwedeng banggitin.

At bakit second nominee si Mike Tuviera for “Super Inday”?

“Well, Tuviera was able to come up with a fresh take of an old material!”, sabi pa ni Butch.

Well?  Well!

Naghuhugas-kamay si Butch by saying na ang kanyang judgment or opinion doesn’t necessarily influence that of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino.  “It’s another playfield!”, aniya pa.